Home Social Media Grupo ni Jilian Robredo, nasigawan sa Baguio Public Market: “Dayuhan ka lang dito, mga Igorot kami!”

Grupo ni Jilian Robredo, nasigawan sa Baguio Public Market: “Dayuhan ka lang dito, mga Igorot kami!”

0

Viral ngayon sa social media ang paninigaw ng isang lokal ng Baguio City sa grupo ng anak ni presidential candidate Leni Robredo na si Jilian nitong Abril 25, 2022.

Sa nasabing video, maririnig sa background ang paninigaw ng lalake na mahahalata ang pangigigil sa grupo ni Jilian.

Nakatanggap pa ito ng mura mula sa nasabing lalake.

“Huwag mo akong sungit sungitan ng ganyan! Dayuhan ka lang dito, mga Igorot kami!” sabi ng babae.

Maririnig naman ang isa sa mga miyembro ng grupo ni Jilian na sinabing may “topak” ang nasabing babae.

Dahil dito ay umalis na lamang ang grupo sa parte ng nasabing palengke.

Ayon sa vlogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto ay nagalaiti ang lokal dahil sa sinabi ng grupo ni Jilian sa mga tindero at tindera ng nasabing palengke.

Sinabi kasi nila na pangangaralan nila ang mga tao doon tungkol sa kandidato na maari nilang piliin.

Dito na daw nainsulto ang babae dahil sa tila pinapalabas ng grupo ni Jilian na hindi edukado ang mga tao doon.

“Kasi nga po pag lilinyahan mo sila ng “let me educate you” that presumes that the person you are talking to, na ini-imply mo na uneducated sila. Insulto sa kanila yon,” sabi ni Nieto.

“Kung titirahin mo ang isang Igoro na to the next level ang pagpapahalaga sa edukasyon, tapos ang liyahan mo “let me educate you” e talagang mamumura ka,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Robredo sa nasabing insidente.

Facebook Comments