Home Social Media Napikon na! Ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong, nangongompronta na dahil sa usapin sa kampanya

Napikon na! Ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong, nangongompronta na dahil sa usapin sa kampanya

0

Nagkainitan ang ilang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong dahil sa pagtatanggol sa kanilang mga pinakamamahal na kandidato.

Sa ilang video sa social media ay makikita ang ilang komprontasyon sa pagitan ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nitong Abril 18 ay kumalat sa social media ang isang video na kuha ni Bryan Calagui kung saan ay kinompronta siya ng isang tagasuporta ni Robredo dahil diumano sa post ng netizen laban sa mga tinaguriang ‘Kakampink’.

Pero ayon kay Calagui ay hindi naman siya nagbanggit ng kahit sinong grupo sa kanyang post.

Matapos nito ay kinausap muli si Calagui ng isa pang tagasuporta ni Robredo.

Maayos namang natapos ang diskusyon kahit na nagkaroon ng maiksing kantyawan sa pagitan ng mga tagasuporta ni BBM at Robredo sa Hong Kong.

Matapos ang ilang araw ay sinugod nanaman si Calagui ng isang tagasuporta ni Robredo.

Ayon kay Calagui ay dinuruan siya ng nasabing lalaki sa hindi malamang kadahilanan.

Dahil dito ay napilitan siyang ipagtanggol ang kanyang sarili mula sa agresibong Kakampink.

Ipinaliwanag niya ang nasabing pangyayari sa isang video na ibinahagi niya sa social media.

Kwento niya ay matagal na daw nangagalaiti sa kanya ang lalaki.

“Sa sobrang galit niya, tinawagan niya ko sa cellphone ko at pinagmumura niya ako. Marami siyang masasamang salita na sinabi sa akin,” wika ni Bryan.

“Tinatanong ko ‘yung pangalan niya ayaw niyang sabihin, ang sinabi niya sa akin magkikita kami sa Central at siya po ang unang nagsabi sa akin na wala akong b****,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Kakampink na sinugod si Calagui.

Facebook Comments