Home Social Media Lalaki na nanghampas ng isang matanda, nakilala na: “Wag na po natin palakihin ang lahat”

Lalaki na nanghampas ng isang matanda, nakilala na: “Wag na po natin palakihin ang lahat”

0

Nagpakilala na ang lalaki na nag-viral sa social media matapos nitong hampasin ng baseball bat ang isang matanda na nakaalitan nito dahil sa away trapiko.

Sa kanyang pahayag social media, humingi ng paumanhin si Gerson Dave Gonzales sa social media dahil sa ginawa niyang pamamalo na maaring humantong pa sa mas malalang sitwasyon kung hindi nakasoot ng helmet ang biktima na nakilalang si ‘Tatay Julian’.

Hinimok din nito ang mga netizen na huwag ng palakihin pa ang isyu dahil sa napatawad na daw nila ang isa’t isa.

“I’M SORRY TATAY JULIAN. PATAWARIN MO AKO. PASENSYA NA PO SA PANGYAYARI AT NADALA AKO NG EMOSYON KO. LUBOS KONG PINAGSISISIHAN ANG AKING NAGAWA. AKO NA PO ANG BAHALA SA LAHAT NG GASTUSIN NG PAGPAPAGAMOT MO.” sabi ni Gonzales sa kanyang Facebook post.

“TO MY BASHERS, WAG NA PO SANA NATIN PALAKIHIN ANG LAHAT NG ITO.. MAG UUSAP KAMI ULIT NI TATAY JULIAN,” dagdag niya pa.

Makikita pa sa isang video ang pagyayakapan ni Gonzales at ni Tatay Julian.

Akala ng mga netizen ay nagkaroon na ng aregluhan sa pagitan ng dalawang panig ngunit ayon sa ilang kamag anak ng biktima ay hindi pa nagdedesisyon ang biktima kung hindi ba siya magsasampa ng kaso.

Isa ang internet celebrity na si Christian Albert Gaza sa mga humimok sa biktima na kasuhan na si Gonzales at bilang kapalit ay bibigyan niya ito ng libo libong piso.

Facebook Comments