Home Celebrities Andrea Brillantes, susubukang gawing ‘Kakampink’ ang nobyong si Ricci Rivero na isang supporter ni BBM

Andrea Brillantes, susubukang gawing ‘Kakampink’ ang nobyong si Ricci Rivero na isang supporter ni BBM

0

Inamin ni Andrea Brillantes na sinusubukan niyang kumbinsihin ang kanyang nobyo na si University of the Philippines (UP) Fighting Maroons guard Ricci Rivero na maging miyembro na ng ‘Kakampink’ o ‘yung mga tagasuporta ni presidential candidate Leni Robredo.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Andrea na inaming tagasuporta ni Robredo na sinusubukan niya pang kumbinsihin si Ricci na suportahan ang bise presidente.

Matatandaan na ilang tagasuporta ni Robredo ang ni-cancel si Ricci dahil sa pagiging tagasuporta diumano nito ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon naman daw sa aktres ay suportado ng basketbolista ang pagiging kakampink niya.

“I am trying, ‘wag kayong mag-alala. I’m trying like ilang months na. He supports me supporting Leni [Robredo] at sobrang na-appreciate ko na ‘yun,” pagbabahagi niya.

Umaasa parin siya na makukumbinsi niya si Ricci na iboto si Robredo lalo na’t papalapit na ang halalan.

“Lagi niyang sinasabi, I’ll support you, supporting Leni. Sabi ko, in the future tatanggalin mo yung ‘you.’ Sasabihin mo nang I support Leni,” wika ni Andrea.

“‘Yan ang aking goal pero nirerespeto ko siya kasi nirerespeto niya rin ako. ‘Yun naman yung importante. Kahit magkaiba kami ng paniniwala at gusto pero may respeto pa rin kami sa isa’t isa, pero I’m trying pa rin,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Ricci kung magiging miyembro narin ba siya ng kakampink.

Binatikos sa social media si Ricci dahil sa kanyang post noong 2016 dahil sa kanyang pagsuporta kay Marcos.

Isa sa mga bumatikos dito ay ang anak ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie.

READ MORE: Frankie Pangilinan, inamin na crush noon si Ricci Rivero na tagasuporta ni BBM: “I’m embarrassed”

Ngunit ilan naman ang nagtanggol dito at sinabing dapat ay i-respeto na lamang ng netizens ang desisyon ni Ricci.

 

Facebook Comments