Home Celebrities Vice Ganda, hindi binanggit ang pangalan ni Kiko Pangilinan sa kanyang endorsement sa Kakampink rally

Vice Ganda, hindi binanggit ang pangalan ni Kiko Pangilinan sa kanyang endorsement sa Kakampink rally

0

Hindi naiwasan na magkaroon ng kontrobersiya sa gitna ng pag-endorso ng komedyante na si Vice Ganda kay presidential candidate Leni Robredo.

Ito’y matapos hindi banggitin ni Vice ang pangalan ng ka-tandem ni Robredo na si vice presidential candidate Kiko Pangilinan sa kanyang endorsement.

Ilan ang naintriga sa ginawang ito ni Vice at may ilan ding mga tagasuporta mismo ni Robredo ang nadismaya dahil sa hindi man lang binanggit ng komedyante ang pangalan ni Pangilinan.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ay may mga sumusigaw na supporter sa nasabing rally na dapat ay isali si Pangilinan sa endorso ni Vice ngunit hindi parin ito ginawa ng komedyante.

“Marami ang nag-iintay sa endorsement niya last night. Iniwan niya si Kiko,” sabi ng isang netizen.

“Iba ka senator, Kiko kahit binabalewala ka full support ka pa rin kay VP Leni at Tropang Angat. A true team leader indeed and a very selfless man. Boto kay Leni dapat boto rin kay Kiko,” ani pa ng isang Twitter user.

Ilan naman ang sinabi na baka nakalimutan lamang ni Vice na banggitin ang pangalan ni Kiko.

“Ang taas ng emosyon natin kahapon when Vice Ganda endorsed VP Leni, of course we always want na kasama si Sen. Kiko. Let’s give Vice Ganda the benefit of the doubt. Baka meron ding pa-surprise na suporta si Meme to highlight Sen. Kiko also,” sabi naman ng isang fan ni Vice.

Sa ngayon ay hindi pa nililinaw ni Vice kung sino nga ba ang kanyang bise presidente.

 

Facebook Comments