Home Social Media Matanda na hinampas ng baseball bat ng nakaalitan sa trapiko, nakipag-ayos na sa suspek: “Tao lang tayo”

Matanda na hinampas ng baseball bat ng nakaalitan sa trapiko, nakipag-ayos na sa suspek: “Tao lang tayo”

0

Nagdesisyon na makipag-ayos ang matanda na matatandaang nag-viral sa social media matapos itong makitang pinaghahampas ng nakaalitan nitong driver dahil sa away trapiko nitong Linggo.

Matatandaan na umabot ng milyon-milyong views sa social media ang insidente na nangyari Bignay, Las Piñas nitong Abril 24.

Ngunit agad na natapos ang isyu matapos mabalitaan na nagka-ayos na ang magkabilang panig.

Ayon sa ulat ng vlogger na si Kuya Ching ay makikita na nagyayakapan pa ang suspek at ang biktima.

“Pasyensya na po itay,” sabi ng suspek.

Makikita na tila naluluha pa ang biktima matapos ang kanilang pakikipagtawaran.

“Tao lang tayo,” sabi naman ng biktima sa media.

“Kung ano ‘yung nangyari satin wala na ‘yon, naabala lang tayo pareho,” wika pa nito sa suspek.

Sabi naman ng kampo ng suspek ay ilang beses nilang hinimok ang biktima na idaan na lamang sa maayos na usapan ang kanilang alitan dahil sa trapiko ngunit nanaig diumano ang init ng ulo kaya nangyari ang insidente.

Itinanggi naman ng biktima na nakainom siya ng mangyari ang alitan.

Makikita na nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima dahil sa pagpalo sa kanya ng suspek.

Mabuti na lamang ay hindi napuruhan ang ulo nito dahil sa may soot na helmet ang biktima ng siya ay paluin ng suspek.

 

Facebook Comments