Home Celebrities Bitter? Mayor Lino Cayetano, di maganda ang reaksyon sa UniTeam rally sa Taguig: “They are sowing division!”

Bitter? Mayor Lino Cayetano, di maganda ang reaksyon sa UniTeam rally sa Taguig: “They are sowing division!”

0

Tila hindi maganda ang reaksyon ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa isinagawang rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte na ginanap sa nasabing siyudad nitong Linggo.

Sa kanyang mga Instagram story, makikita si Cayetano na nagbibigay ng negatibong komento sa mga nagaganap sa UniTeam rally sa Taguig na dinaluhan ng libo libong tagasuporta ng UniTeam.

Ayon sa kanya ay pagkakawatak watak ang ipinakalat ng UniTeam sa Taguig nitong Linggo at hindi pagkakaisa.

“”UniTeam” in Taguig tonight sowing division,” ani Cayetano.

Tinawag din nitong “dayo” ni Cayetano ang mga artista na sumusuporta sa tambalang BBM-Sara.

“UniTeam” in Taguig at mga artista na dayo pero nangangampanya sa Taguig para sa mga taong di nila kilala,” sabi pa ng alkalde.

Screencap ng Instagram story ni @linocayetano

Naniniwala ang ilang netizen na may kinalaman sa sinusuportahang kandidato ng UniTeam sa Taguig City ang naging negatibong reaksyon ni Cayetano.

Ang sinusuportahan kasing kandidato ng UniTeam ay si dating Taguig-Pateros Congressman Arnel Cerafica ang katunggali ni Taguig 2nd District Rep. Lani Cayetano na tumatakbo ngayon sa pagka alkalde ng nasabing siyudad.

Ilang netizen naman ang nasupresa dahil sa kilalang magka-alyado ang mga Cayetano at mga Duterte.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang UniTeam sa banat sa kanila ni Cayetano.

Facebook Comments