Home Celebrities Angel Locsin kay Toni Gonzaga: “Ang Malacañang ay para sa taumbayan”

Angel Locsin kay Toni Gonzaga: “Ang Malacañang ay para sa taumbayan”

0

May reakson si Angel Locsin sa pahayag ni Toni Gonzaga noong Abril 18 kung saan sinabi ng kilalang television host na magbabalik na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang “tahanan” ang Malacañang.

Sa talumpati ni Angel nitong Sabado, Abril 23 sa grand rally ni presidential candidate Leni Robredo na kailangan pumili ng tao ng mga lider na hindi takot humarap sa taumbayan kapag sila ay nahalal na.

“Kaya alam niyo po ang pipiliin kong lider ay ang lider po na para po talaga sa mga tao,” ani Angel.

“‘Yong isang lider na sisiguraduhin na ang Malacañang at ang buong bansa ay para sa taumbayan,” dagdag pa niya.

Tila nahalata naman ng mga manonood kung sino ang pinapatamaan ni Angel kaya naman nagsigawan ang mga ito.

Ngunit itinigil na ni Angel ang kanyang patama kay Toni upang maiwasan pa ang posibleng kontrobersiya.

“Alam niyo ho ayoko na pong pag-usapan ‘yon pero sabi nila sandali lang daw tayo mag-speech,” sabi ng aktres.

“Ako po si Angel Locsin, isa po akong Pilipino, isang volunteer– proud volunteer, at ang iboboto ko po ay si Leni Robredo.”

Matatandaan na binatikos sa social media ang pahayag ni Toni dahil tila pinapalabas nito na pagmamay-ari ng mga Marcos ang Malacañang.

“Kaunting-kaunting panahon na lang, babalik na si BBM sa kaniyang tahanan — ang Malacañang,” sigaw ni Toni.

READ MORE: Toni Gonzaga binatikos matapos sabihing tahanan ni BBM ang Malacanang: “It doesn’t belong to anyone,”

Wala pang pahayag si Toni sa patama sa kanya ni Angel na naging kasamahan niya sa ABS-CBN at ilang pelikula.

 

Facebook Comments