Home Social Media Ang layo! NCRPO, sinabing nasa 100,000 ang dumalo sa rally ni Robredo sa Pasay

Ang layo! NCRPO, sinabing nasa 100,000 ang dumalo sa rally ni Robredo sa Pasay

0

Nilinaw ng National Capital Region Police Office na nasa 90,000 hanggang 100,000 lamang ang nakikita nilang dumalo sa grand rally ni presidential candidate Leni Robredo sa Macapagal Boulevard sa Pasay City nitong Sabado, Abril 23.

Ito ang sinabi ni NCRPO regional director Major General Felipe Natividad matapos kumalat sa social media ang figures na inilabas ng mga diumano’y organizer ng rally ni Robredo.

Ayon kasi sa mga organizer ay halos aabot na sa kalahating milyon o 400,000+ ang nanood, nakikanta at nakisayaw sa star-studded rally ni Robredo na dinaluhan ng mga kilalang artista.

Kung ikukumpara ito ay halos kasing dami na ng buong populasyon ng Pasay ang pumunta sa rally ni Robredo.

Pero ayon kay Natividad malayo sa kanilang figures ang inilabas ng mga organizer at ipinakita din nila kung paano nila na-compute ang dami ng tao sa nasabing rally.

‘Yung estimate as of yesterday, is mga more or less nasa 90 to hundred thousand ‘yung nandoon. ‘Yun ‘yung estimate natin kasi bago naman they coordinated with us. Parang inano na namin ‘yung area, y’ung span ng area na kinoordinate nila parang sinubdivide na natin ‘yan by square meter ‘yung occupied ng tao, tapos we also observe kasi na people go there siguro stay for a while and then they will leave hindi talaga yung consistent na they’re staying there,” ani Natividad.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Robredo sa inilabas na numero ng NCRPO.

Matatandaan na ilang tagasuporta ni Robredo sa social media ang sinabi na mas madami pang dumalo sa rally ni Robredo kaysa sa miting de avance ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginanap sa Luneta noong 2016.

“The crowd estimate for today’s #PasayIsPink rally (412,000 as of 7:30 PM) is higher than the crowd who attended President Rodrigo Duterte’s miting de avance back in 2016, which only reached 300,000. The Robredo campaign can now pull off a landslide victory,” sabi ng isang netizen sa Twitter.

Facebook Comments