Home Celebrities Vice Ganda, supresang nagpakita sa rally ni Leni Robredo upang sumuporta: “Opisyal kong ineendorso ang susunod na pangulo ng Pilipinas!”

Vice Ganda, supresang nagpakita sa rally ni Leni Robredo upang sumuporta: “Opisyal kong ineendorso ang susunod na pangulo ng Pilipinas!”

0

Nasupresa ang libo libong tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa pagdating ng komedyante na si Vice Ganda sa campaign rally ng oposisyon na isinagawa sa Pasay City nitong Sabado.

Nag-perform si Vice sa harap ng diumano’y 400,000 katao.

Pambihira lamang makita ang komedyante sa mga political rallies ngunit ngayon daw ay aktibo itong magpapakita ng suporta kay Robredo.

Tinawag pa nitong susunod na lider ng bansa si Robredo na pumapangalawa na ngayon sa ilang mga survey.

“Sa gabing ito, opisyal kong ineendorso ang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas, Leni Robredo!” ani Vice.

Hindi naman nito binanggit ang pangalan ni Vice ang pangalan ng ka-tandem ni Robredo na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Matatandaan na noon pa lamang ay nagpapakita na ng ilang senyales si Vice na siya ay sumusuporta kay Robredo.

“Espesyal ang araw na ito… dahil sa araw na ito isinilang ang kaseksihan. Pasensya na muna kayo mga gwapo at makikisig na mga lalaki, pero sa araw na ito, mga babae ang mamamayagpag. Sasalubungin nating yayakapin at itataas ang kagandahan, kakayahan, at husay ng mga kababaihan…” sabi ni Vice sa pinaka-latest na episode ng noontime show nila na Its Showtime.

Noon ay misteryo sa mga netizen kung ano nga ba talaga ang paniniwala ni Vice sa politika, ngunit ngayon ay tila nasagot na ang katanungan ng kanyang mga fans.

Facebook Comments