Home Social Media Basketball player, himas rehas matapos dumumi sa swimming pool ng isang resort

Basketball player, himas rehas matapos dumumi sa swimming pool ng isang resort

0

Isang basketbolista ang himas rehas ngayon dahil sa kanyang kakaibang ginawa sa kanyang pagbisita sa isang ecofarm resort sa Barangay Liburon, Carcar City, Cebu.

Humaharap ngayon sa kasong malicious mischief ang suspek na si Dilcer Gaviola, 20-anyos dahil sa ginawa nitong pagdumi sa swimming pool ng nasabing ecofarm.

Hawak na ngayon ng Carcar City Police station sa pangunguna ni officer-in-charge Police Lieutenant Colonel Ardioleto Cabagnot ang suspek na diumano’y lasing ng kanyang ginawa ang nasabing pagdumi.

Ayon naman sa ecofarm ay aabot daw sa P50,000 ang pinsala na naidulot ng dumi na itinanim ni Gaviola dahil sa na kontamina ang swimming pool.

Buti na lamang daw ay may lifeguard na nakabantay sa mga oras na ‘yon na siyang nakahuli sa ginagawa ni Cabagnot na nakaupo pa sa gilid ng pool habang ginagawa ang krimen.

”[The] suspect was properly informed (of) the nature of his offense and rights as provided by law in a language that is known to him and thereafter was brought to this station for proper disposition,” ayon sa imbestigasyon ng kapulisan.

Varsity player si Gaviola sa Cebu at na-recruit din bilang manlalaro sa Maynila para sa kolehiyo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang suspek kung bakit niya nagawa ang pagdumi sa swimming pool.

 

Facebook Comments