Home Celebrities Asawa ni Angel Locsin, tinawag na engot ang mga pumuna sa birthday greeting ni Leni Robredo kay Kim Chiu

Asawa ni Angel Locsin, tinawag na engot ang mga pumuna sa birthday greeting ni Leni Robredo kay Kim Chiu

0

Maanghang ang mga naging mensahe ng film producer at asawa ni Angel Locsin na si Neil Arce sa mga pumupuna sa naging birthday greeting ni Vice President Leni Robredo sa aktres na si Kim Chiu.

Matatandaan na nag-viral sa social media at nakakuha ng milyon milyong views ang kontrobersiyal na pagbati ni Robredo kay Chiu dahil sa tila ay para daw pumanaw ang aktres sa mensaheng ibinigay ng bise.

“Kim, Happy, Happy Birthday. Magkasunod pala Birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. Ah I know you’re in a good place now.” ani Robredo.

Pero ayon kay Neil Arce ay hindi naman daw pampatay ang mensahe ni Robredo para kay Chiu.

“Para sa mga t*nga. Good place = Magandang disposisyon. My God!!!” ani Neil.

“Tawa ko ng tawa sa ang ibig sabihin daw in a good place Patay na. It just shows how these “political experts” are idi*ts,” banat pa ng asawa ni Angel.

Isang netizen naman ang sinubukan na makipag-debate kay Neil at ipinakita ang mensahe ng pakikiramay ng kilalang trivia host na si Kim Atienza para sa pumanaw na historian na si Carlos Celdran.

Ayon kasi kay Kuya Kim ay nasa “good place” na si Carlos matapos nitong pumanaw.

Kilalang tagasuporta ni Robredo si Neil at naghamon pa ito ng suntukan sa isang opisyal ng gobyerno dahil sa usapin sa politika.

READ MORE: Asawa ni Angel Locsin, hinamon ng suntukan ang isang undersecretary: “No bodyguards, lalaki sa lalaki lang!”

“You can message me here on Facebook kung matapang ka talaga kita tayo no weapons no bodyguards lalake sa lalake lang kung di ka lalaki baka may kuya ka or kapatid na bata. Pwede na din proxy. Hope to see you soon,” sabi ni Neil sa nasabing opisyal.

Facebook Comments