Home Celebrities Sharon Cuneta, sinabing isang beses lang tatakbo si Leni-Kiko: “We cannot lose, we cannot lose!”

Sharon Cuneta, sinabing isang beses lang tatakbo si Leni-Kiko: “We cannot lose, we cannot lose!”

0

Hindi daw kailangan ni Megastar Sharon Cuneta ang suporta ng mga politiko sa kalagitnaan ng kaniyang pangangampanya para sa asawa niyang si vice presidential bet Kiko Pangilinan at ka-tandem nito na si presidential candidate Leni Robredo.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sharon na ang mga politiko ang mawawalan kung sakali man na hindi nila suportahan ang kandidatura ng Leni-Kiko.

“We do not need the endorsement of politicians, we do not need those,” ani Sharon.

“If they don’t believe in us, it is their loss, because we are working for you,” dagdag niya pa.

Ayon kay Sharon ay isang beses na lamang tatakbo sa pagkapangulo at pagkabise presidente si Robredo at Pangilinan kaya’t dapat ay hindi na palampasin pa ng taumbayan ang pagkakataon na ihalal sila upang mapagpatuloy daw ang progreso ng bansa.

“This is our one chance and this is probably the biggest battle of this generation, we cannot lose,” sabi pa ng megastar.

Naniniwala din ito na ang buong Pilipinas ay mananalo sa “god-fearing” na administrasyon ni Robredo at Pangilinan.

Matatandaan na noong 2019 ay nagpahayag ng sama ng loob si Sharon dahil sa ang inendorso ng mga Duterte ay ang kalaban ng kanyang kapatid na si Chet Cuneta na tumatakbo noong alkalde ng Pasay City.

READ MORE: Sharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob sa pamilya Duterte: “Nagulat kami pati ang kalaban inendorso din!”

Tuwang-tuwa kami nung inendorse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin. MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA.” ani Sharon sa kanyang post noong 2019.

 

Facebook Comments