Binatikos ni Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang ang mga artista na diumano’y nagpapabayad sa mga kandidato ngayong kampanya.
Sa kanyang tweet, sianbi ni Pokwang na ang mga ginagamit na pera sa mga artista ng ilang kandidato ay babawiin ng mga politiko sa taumbayan kapag sila ang nahalal.
Kaya ayon sa kanya ay mas pinili niya na i-endorso si Robredo ng libre at walang bayad.
“Tandaan nyo lahat ng binayad ng kandidato nyo sa mga artistang yan ay babawiin din yan sa sarili nyong pawis!ano uto? maglalabas ng ganon kalaking pera ng walang kapalit? kaya sa libre nalang ako at boluntaryo kasi alam mong malinis ang hangarin at maluwag sa puso kong ginawa,” ani Pokwang.
Tandaan nyo lahat ng binayad ng kandidato nyo sa mga artistang yan ay babawiin din yan sa sarili nyong pawis!ano uto? maglalabas ng ganon kalaking pera ng walang kapalit? kaya sa libre nalang ako at boluntaryo kasi alam mong malinis ang hangarin at maluwag sa puso kong ginawa đŸ’—
— marietta subong (@pokwang27) April 18, 2022
Itinanggi din nito na sinusuportahan niya si Robredo dahil sa posibilidad na ibalik ng bise ang prangkisa ng ABS-CBN kung sakali na siya ang manalo sa pagkapangulo.
“bakit kaya ang daming artista ang sumusuporta kay mam @lenirobredo at  @kikopangilinan
for free? why? mapa GMA at ABS na mga artista? Why? so hindi prangkisa ang issue ng pinaglalaban namin diba? kasi nagkakaisa kmi! totoong UNITY!! why kaya? ikaw natanong moba sa sarili moyan?” sabi pa ng komedyante.
Matatandaan na nagsara ang ABS-CBN sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon dahil sa mga diumano’y paglabag sa batas na ginawa ng nasabing kumpanya katulad ng hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Nangako naman ang isa sa mga kaalyado ni Robredo na si senatorial candidate Antonio Trillanes IV na ibabalik nila ang prangkisa ng ABS-CBN kung sakali na manalo ang oposisyon na kinabibilangan ni Robredo ngayong halalan.