Home Uncategorized Ogie Alcasid, hindi napigilan humanga kay Gab Valenciano: “He is standing up and fighting for what he truly believes in”

Ogie Alcasid, hindi napigilan humanga kay Gab Valenciano: “He is standing up and fighting for what he truly believes in”

0

Hindi napigilan humanga ng singer na si Ogie Alcasid sa kapwa niya artista na si Gab Valenciano dahil sa pagiging matapang nito sa paglaban sa kung ano ang kanyang pinaniniwalaan.

Matatandaan na inulan ng pambabatikos sa social media si Gab dahil sa kanyang pagsuporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo at umabot pa sa punto na naging meme ang kanyang performance.

Ngunit mahahalata na hindi masyadong naapektuhan ng pambabatikos ang singer at dancer kahit na kagagaling lamang nito sa depresyon.

Dahil dito ay nagbigay ng mensahe ng paghanga si Ogie para kay Gab.

“This man has gone through so much in his life and yet here he is standing up and fighting for what he truly believes in. I call that courage. I call that FORTITUDE.” ani Ogie.

“Keep standing proud bro. You are a beacon of light in this very broken world. The Lord bless you and keep you. And yes, we are for LENI KIKO!” dagdag niya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

Nagpasalamat naman si Gab sa natanggap niyang mensahe mula kay Ogie.

“I appreciate this so much, Tito Ogie. Thank you for this post. Warms my heart. God has kept me strong. Can’t wait to see you!!!” ani Gab.

Nagpasalamat din ang ama ni Gab na si Gary Valenciano dahil sa nakikita ni Ogie kung ano din ang nakikita nyia sa kanyang anak.

Ilang netizens din ang nagpahayag ng suporta kay Gab.

“Very talented yet underrated. Keep doing what you do, you are on the right path.” sabi ni dapril0308.

“Salamat Gab! Kahangahanga ang pagmamahal mo para sa bayan,” ani nagiperez.

“I am not either a BBM or Leni supporter … cause i dont vote in the Philippines… but i feel sorry for Gab being bashed of what he did in the campaign… worse of all he was compared to mark herras … my gulay … they have their own style in dancing …. Peace to all,” komento naman ni idadiosomito.

Facebook Comments