Home Social Media Manny Pacquiao, tinawag na ‘napakalaking t*nga’ ang mga Pilipino na boboto sa ‘magnanakaw’

Manny Pacquiao, tinawag na ‘napakalaking t*nga’ ang mga Pilipino na boboto sa ‘magnanakaw’

0

Habang papalapit na ang halalan ay lalo pang umaanghang ang mga salita ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao laban sa mga botante na diumano’y pipili ng magnanakaw na lider.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Pacquiao na hindi niya na alam kung ano ang maaring tawagin sa mga botante na pinipili na bumoto ng mga diumano’y magnanakaw sa gobyerno.

Dahil dito ay natawag niya na lamang itong ‘napakalaking t*nga’.

“‘Yung mga tao na boboto ng magnanakaw. E bakit magnanakaw na iboboto mo pa? ANo ‘yung tawag dun napakalaking t*nga naman talaga ng isang tao na ninakawan ka na iboboto mo pa.” sabi ni Pacquiao.

“I’m talking about generally ‘yung national down to local.. ‘Yung korapsyon yan ang kanser ng bansa natin na nagpapahirap sa taumbayan,” dagdag pa ng pambansang kamao.

Nangako naman si Pacquiao na magpapatayo siya ng preso na para lamang sa mga kurakot na opisyal.

Isa sa mga pangako ng pambansang kamao ay ang tapusin ang korapsyon sa Pilipinas na isa sa nagpahirap sa kanya noong hindi pa siya sumisikat sa boksing.

Matatandaan na noong Marso 3 ay may pinatamaan din itong kandidato at sinabi na ang mga botante na pipili sa kanya ay ang mga may pinakamababang kapasidad ng utak sa Pilipinas.

“Sinasabi nila si Manny Pacquiao, mahina raw ang utak. Pero hindi totoo yan,” ani Pacquiao.

“Ang pinakab*b* sa bansa natin, ‘yung boboto ng magnanakaw.. Kung boboto ulit tayo ng kandidato na walang plano; ang plano lamang ay payamanin ang pamilya, payamanin ang sarili, e nasa inyo na ‘yan. Basta ako mahal na mahal ko kayong lahat,”dagdag niya pa.

Facebook Comments