Home Celebrities DJ Mo, hindi nagpapadala ng sustento sa anak niya ayon sa dating partner nito na si Bunny Paras

DJ Mo, hindi nagpapadala ng sustento sa anak niya ayon sa dating partner nito na si Bunny Paras

0

Ibinunyag ng dating partner ni Mohan Gumatay o mas kilala bilang ‘DJ Mo’ na si Bunny Paras na hindi man lang nagpadala ng tulong ang kilalang disk jockey para sa pagpapalaki ng kanilang anak na si Moira Francesca Greenway.

Sa panayam sa kanya ng Pep.ph, ipinahayag ni Bunny na “proud” siya na napalaki nila ng kanyang kasalukuyang asawa si Moira na si Tom Greenway kahit na hindi nagpapadala ng sustento ang kontrobersiyal na DJ na pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa pagbatikos nito kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasalukuyang mayroong karamdaman si Moira na naging dahilan upang hindi na ito makalakad.

Ayon sa kanya ay ikinalulungkot niya na hindi man lang gumawa ng kahit anong paraan si Mo upang tulungan o kausapin man lang ang kanilang anak.

“Sadly, Mo doesn’t do anything to help out or reach out [to] Moira. Mabibilang lang yung times na may nagawa siya to be there for Moira.” sabi ni Bunny sa Pep.

“Hindi na ako umaasa pa.” dagdag niya pa.

Sinabi ni Bunny na sumuko na siya sa pag-asa na haharapin ni Mo ang kanyang pagiging ama kay Moira.

“Pagdating sa ex ko, I gave up na umasa ng pagbabago or kahit bigyan lang niya ng panahon ang kanyang anak kaya okay na kami without him. Sanay na kami.” wika ng dating aktres.

Todo pasalamat naman siya kay Tom dahil sa napunan nito ang pagkukulang ni Mo at nagkaroon parin ng ama si Moira.

“Okay nang si Tom is Moira’s dad. What matters is what Tom does for Moira. Kahit napakahirap ng pagdaraanan pa ni Moira sa future, I know I have Tom by our side.” sabi pa ni Bunny.

Matatandaan na pinuna ni Mo ang hindi pagpunta sa mga debate ni Marcos.

“[Bongbong] Marcos doesn’t want to go to debates because he’s never been to a job interview. He’s never been an employee. Never been an employer. Never been accountable. Never had to answer to anyone but his dictator father. So why would he go to a job interview for our country.” ani Mo.

Wala pang tugon si DJ Mo sa panayam sa ng Pep sa dati niyang partner.

Hinimok naman ng mga netizens si Mo na maging “accountable” din sa kanyang anak.

 

 

Facebook Comments