Itinanggi ng aktres na si Andrea Brillantes ang mga akusasyon na sinungitan niya ang isang delivery rider na humihiling sa kanyang magpa-picture.
Sa kanyang TikTok video, ikinuwento ni Andrea kung ano ba talaga ang totoong nangyari at bakit siya nag-walk out sa nasabing delivery rider.
Ayon sa kanya ay tila hindi na sinusunod ng rider ang mga health protocols at pinapatanggal nito ang face mask ng aktres.
“Hi guys, minsan na lang talaga ako magsalita sa TikTok, pero here I am once again. To be honest, yes. Actually, medyo bad trip ako niyan. Una, ang kulit kasi ni Kuya na, ‘Puwede po ba na walang mask, walang mask?’ Sabi ko, ‘Bawal po, bawal po talaga.'” ani Andrea na matatandaang nakitang walang soot na face mask sa proposal sa kanya ni Ricci Rivero.
“Nag-picture siya ‘tapos umulit uli siya. ‘Tapos sabi ko, ‘Kuya, bawal po talaga kasi, duh, ‘asa pandemic pa tayo at ang dami ko pa hong work na nakasalalay na hindi ako puwedeng mag-positive. So, sabi ko kay Kuya na, ‘Kuya, bawal po talaga or else papasok na rin talaga ako,’ since late naman na ako sa training ko, e,” dagdag niya pa.
@blythe Reply to @danieleyebol gow awayin nyo pa ko.pake ko? Leni padin. #fyp ♬ original sound – Andrea Brillantes
Matatandaan na inulan ng batikos si Andrea sa social media dahil sa kanyang diumano’y pagtataray sa mga fans.
Ngunit ilang followers niya parin ang pilit ipinagtanggol ang aktres at sinabi na kahit ang mga sikat na personalidad ay may karapatan na ipakita ang kanilang emosyon lalo na kapag hindi na sila kumportable sa sitwasyon.