Home Celebrities Toni Gonzaga, nakatanggap ng batikos kay Mocha Uson: “Wala po kayong alam sa public service”

Toni Gonzaga, nakatanggap ng batikos kay Mocha Uson: “Wala po kayong alam sa public service”

0

Nakatanggap ng batikos ang television host na si Toni Gonzaga mula kay deputy executive director of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Mocha Uson.

Ito’y matapos sabihin ni Toni na malapit ng makauwi ang kanyang sinusuportahang kandidato na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang “tahanan” na Malacañang.

“Konting konti na lamang at magbabalik na si BBM sa kanyang tunay na tahanan, ang Malacanang,” ani Toni sa rally ng UniTeam sa Cebu City.

READ MORE: Toni Gonzaga binatikos matapos sabihing tahanan ni BBM ang Malacanang: “It doesn’t belong to anyone

Sa kanyang TikTok video ay tinawag na “walang alam” sa public service ni Mocha si Toni dahil ang totoo ay walang pamilya na nagmamay-ari sa Malacañang.

Sinabi rin nito na parang pinapalabas ni Toni na totoong diktador ang ama ni BBM na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Alam mo, ma’am, hindi maganda ‘yang sinasabi ninyo. Napaghahalataang wala po kayong alam sa public service. Si Pangulong Duterte nga po, sinasabi niya na ang Malacañang ay kaniya lamang opisina, hindi po niya ito tahanan. Ito ay pag-aari ng taumbayan,” ani Mocha.

“Para sabihin mo na babalik na sa kaniyang tahanan sa Malacañang si Marcos, ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit, at ngayon ay babalik muli para angkinin ito,” dagdag niya pa.

“Paalala lang po: Ang Malacañang ay pag-aari ng bawat Pilipino. Ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan. Sana po, ma’am, matuto kayo sa mga sinasabi ng Pangulong Duterte,” sabi niya pa.

@mochausonofficialAng Malacañang ay opisina hindi tahanan

♬ original sound – mochauson

Wala pang tugon si Toni sa banat sa kanya ni Mocha.

Facebook Comments