Home Celebrities Sharon Cuneta hihiwalayan si Kiko Pangilinan kapag di nito tinupad ang pangako pag nanalo

Sharon Cuneta hihiwalayan si Kiko Pangilinan kapag di nito tinupad ang pangako pag nanalo

0

Kumpiyansa si megastar Sharon Cuneta na tutuparin ng asawa niya na si vice presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan ang mga pangako nito kung sakaling manalo.

Handa pa ngang isakripisyo ng megastar ang pagsasama nilang mag-asawa kung sakali man na hindi matupad ang mga plano ng kanyang asawa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sharon na handa siyang makipaghiwalay kay Kiko kung sakali man mapako ang pangako nito sa taumbayan.

Ngunit ayon sa megastar ay naniniwala siyang magagawa ng asawa niya ang mga plano nito’t lalo na’t nakikita niya ng personal ang pagkatao nito.

“Pag hindi niya tinupad ang dapat niyang tuparin, baka maghiwalay nalang kami,” ani Sharon.

“No it’s not a threat, it’s not an empty something… because I know in my heart that I married the man with one of the purest hearts on this planet. I prayed for the man just like him,” dagdag niya pa.

Nangako naman si Sharon na kapag si Kiko ang binoto ng mga tao ay hindi na sila mamomoblema pa sa pagkain kung sakali na manalo ito.

“Kapag si Leni at Kiko ang binoto niyo, lahat ng matatanim na buto, maganda, malinis, at malusog. I wouldn’t even be here if even, I did not believe in my husband,” sabi pa ni Megastar.

Matatandaan na naging puno ng emosyon ang mga nakaraang rally ni Kiko, isa na dito ay ang pag-iyak niya matapos siyang suportahan ng ilang magsasaka sa Pampanga.

Kahit si Sharon ay hindi mapigilan na maluha sa suporta na natatanggap ng kanyang asawa.

Facebook Comments