Home Celebrities Miss Universe 1973 Margie Moran, itinanggi na sinusuportahan si VP Robredo

Miss Universe 1973 Margie Moran, itinanggi na sinusuportahan si VP Robredo

0

Mariing itinanggi ni Miss Universe 1973 Margie Moran na sinusuportahan niya si presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan ay sinasabi na tatlo daw sa apat na Pilipina na nanalo sa Miss Universe ay sinusuportahan si Robredo.

Matatandaan na nagpahayag na ng suporta si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Robredo.

Ngunit ayon kay Moran, pekeng balita daw ang pagsuporta niya kay Robredo.

“This post is fake news. I will not compromise my position as a government official by endorsing a candidate. My choice is who I think will serve the nation best.” sabi ni Moran na ngayo’y kasalukuyang chairperson ng Cultural Center of the Philippines (CCP)

Nanalong Miss Universe si Margie sa ilalim ng administrasyong Marcos kaya naman may ilang netizen ang napatanong kung si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nga ba ang pipiliin niyang lider.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa ito sinasagot ng beauty queen.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng kanilang komento sa post ni Margie.

“Don’t know how this people write wrong stuffs about someone without an any reason. I’m sick of this!!!” sabi ni @aman_sighn.

“The people who posted this do not know history. But also, always verify.” komento naman ni Prof. Xiao Chua.

“A Very professional thinking po maam,” ani @ciao_bella

Facebook Comments