Home Celebrities May back-up na ng tatay! Gary Valenciano, sasayaw at kakanta na rin sa rally ni VP Leni

May back-up na ng tatay! Gary Valenciano, sasayaw at kakanta na rin sa rally ni VP Leni

0

Nagpahayag narin ng kanyang plano ang binansagang Mr. Pure Energy at OPM Icon na si Gary Valenciano na mag-perform sa mga rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Gary na sasamahan niya ang kanyang anak na si Gab sa pag-perform sa rally ni Robredo sa Abril 23.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang performance ni Gab at may ilang netizen na hindi naiwasan na batikusin ito.

READ MORE: Pang tapat kay Andrew E? Performance ni Gab Valenciano sa rally ni VP Leni, usap usapan

Isa si Mr. Pure Energy sa mga unang nagtanggol kay Gab ng inulan ito ng batikos dahil sa sayaw nito.

“Soon I’ll be with you on that stage son!!!@gabvalenciano
@lenirobredo @kikopangilinan,” ani Gary.

Ilan sa mga inaasahan na aawitin ni Gary sa Abril 23 ay ang mga classic niya katulad ng “Warrior is a Child”.

May ilan namang sinubukan na kontrahin si Gary sa kanyang pagsuporta sa tambalang Leni-Kiko ngunit hindi niya na ito pinansin.

Nagbigay naman ng komento ang mga netizens sa balak na pagdalo ni Gary sa rally ni Robredo.

“Isama mo na rin si tita shawie mag asawang alcasid gary v para mas masaya dahil kahit ilan pa kau magsama sama tingnan natin kung tataas ba rating ni aling leni,” sabi ni Josh-cez Sanchez.

“Go! Para maiba naman! Para kayong dalawa gawing memes ng FB hahaha,” komento ni Darius Renzo Regua.

“and that’s father’s love… can’t wait to see you Mr. Pure Energy,” wika naman ni Shane Collyne.

Facebook Comments