Home Celebrities Kim Chiu, may reaksyon matapos sabihang nasa “good place” na ni VP Leni: Nakakaiyak!

Kim Chiu, may reaksyon matapos sabihang nasa “good place” na ni VP Leni: Nakakaiyak!

0

Hindi nakapagpigil si Kim Chiu sa isa sa mga nambatikos sa kanya sa kanyang social media page.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang pagbati ni presidential candidate Vice President Leni Robredo kay Kim na inulan ng puna sa mga netizens.

Tila para daw kasing pumanaw si Kim sa naging mensahe ng bise sa kanya.

“Kim, Happy, Happy Birthday. Magkasunod pala Birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. Ah I know you’re in a good place now.” ani Robredo.

Sa kanyang twitter, sinabi ni netizen @AniKnowPH na akala niya’y pumanaw na si Kim dahil sa pagbati ni Robredo.

“OMG kinilabutan ako sa pagbati ni madam VP kay Kim Chiu. Kala ko talaga RIP na,” sabi ng netizen.

Sinagot naman ito ni Kim at sinabi na hindi naman silang mga basher ang binati ni Robredo.

“Wag ka nga! 🤪 di naman ikaw yung binati eh. Ako diba? Ako yung nag birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Ako kasi naintindihan ko,para sakin naman yung message.Ikaw ba?nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?. Bawas nega. Para angat buhay lahat.💗smile!” ani Kim.

Ikinatuwa namang lubos ni Kim ang pagbati na natanggap niya mula sa bise.

“OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!!! Nakakaiyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw-araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito, rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba,” saad ni Kim.

“Grabe saludo po ako sa inyo Ma’am and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka-personal po ng message ninyo. Maraming-maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn’t expect this pero maraming salamat po.” dagdag niya pa.

Facebook Comments