Home Celebrities Daryl Ong, lumobo ang followers matapos magpakita ng suporta kay BBM-Sara: “Masarap maging totoo sa sarili!”

Daryl Ong, lumobo ang followers matapos magpakita ng suporta kay BBM-Sara: “Masarap maging totoo sa sarili!”

0

Inamin ni Daryl Ong na nawalan siya ng followers sa social media matapos niyang ipakita ang kanyang pagsuporta sa tambalan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sa kanyang post, sinabi na nirerespeto ni Daryl ang mga netizen na nagdesisyon na i-unfollow siya sa mga pages niya dahil naging parte naman daw sila ng kanyang career bilang isang mang-aawit.

“Sa mga nag u-unfollow dahil sa pag post ko ng aking suporta sa Uniteam. Salamat parin po sa inyong lahat, naging part parin po kayo ng journey ko. No matter what, nirerespeto ko po kayo.” ani Daryl.

“Sa mga katulad ko ng pinaniniwalaan at kapwa sumusuporta sa Uniteam, ako’y lubusang nagpapasalamat sa ating pagkakaisa. All the best sa ating lahat, sa ating bansa. God bless the Philippines.” dagdag niya pa.

Ngunit matapos ng ilang araw ay biglang lumobo ang followers ni Daryl dahil narin sa mga balita tungkol sa pagkawala ng kanyang followers.

Ayon sa isang website ay noong Sabado simula ng ianunsyo ang kanyang pagkanta sa Uniteam ay nawalan ito ng 324 followers. Nabawi naman niya ito nitong Linggo at Lunes.

Ngunit matapos ang isang araw ay nawalan muli ito ng 70 followers.

Pero nitong Miyerkules ay pumutok ang followers ni Ong at umabot ng 98,000 ang bago niyang followers.

sa ngayon ay patuloy pang nadadagdagan ang followers ng mang-aawit.

Sa kanyang Facebook post naman ay nagpasalamat siya sa mga bago niyang tagasuporta.

Ayon sa kanya ay napatunayan niya na mas maganda talaga na ilabas niya ang totoong paniniwala niya na walang takot sa mga mambabatikos.

“Sa mga nag f-follow sakin maraming salamat, pinapatunayan niyo na talagang masarap maging totoo sa sarili dahil dun mo makikilala ang mga taong talagang sumusuporta sayo pag pinalaya mo ang sarili mo sa takot sa sasabihin ng ibang tao.” ani Ong.

“Pag binabasa ko mga comments dito di talaga ako nagsisisi na nagpaka totoo ako sa sarili, salamat talaga sa inyong lahat na nagtatanggol sakin dito at nagpaparamdam na united tayo sa paniniwala natin, grabe apaka solid niyo! Salamat, wala nako ibang masabi kundi salamat sa inyo.” dagdag niya pa.

Facebook Comments