Home Celebrities Toni Gonzaga binatikos matapos sabihing tahanan ni BBM ang Malacanang: “It doesn’t belong to anyone .

Toni Gonzaga binatikos matapos sabihing tahanan ni BBM ang Malacanang: “It doesn’t belong to anyone .

0

Mataas ang kumpiyansa ng aktres na si Toni Gonzaga na mananalo na ang kanyang pambato sa halalan na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong eleksyon.

Isa si Toni sa mga sikat na personalidad na nag-perform sa grand rally sa Cebu City ng tambalan nila Marcos at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte na dinaluhan ng 300,000 na katao.

READ MORE: Grabe napakadami! Dumalo sa rally ng BBM-Sara UniTeam sa Cebu City, umabot ng 300,000

Kinanta ni Toni ang madalas niyang inaawit sa mga rally ng BBM-Sara na ‘Roar’ na hit song ng international artist na si Katy Perry.

Matapos niyang kumanta ay sinambit na ng host ang kanyang mensahe sa mga tagasuporta ni BBM at sinabi na sinigurado na ng Cebu ang pagkapanalo ng dating senador.

“Mabuhay ang Cebu… Sa dami rally ng Uniteam, ang Cebu nagpatunay ngayong gabi,” ani Toni. “Masyado niyong ginalingan Cebu,” 

“Konting konti na lamang at magbabalik na si BBM sa kanyang tunay na tahanan, ang Malacanang,” dagdag niya pa.

Habang ang mga tagasuporta ni BBM ay tuwang tuwa sa pahayag ni Toni ay may ilang netizen naman na hindi sumusuporta sa dating senador ang hindi nagustuhan ang sinabi ng television host.

“FYI, Malacañang is a temporary residence for the Philippine President and his or her family. It doesn’t belong to anyone or any family.” sabi ni netizen Angerica Jasmin.

“Miss Gonzaga, know your history well , the palace is not the home of your candidate , it is the temporary home and office of the duly elected President , and if you think further it is the home of the Filipino people na pinapahiram Lang sa Presidente . Talaga sigurong kailangan ibalik ang exactong Philippine history sa classroom.” ani Mila Dionela.

“Excuse me, Toni! No individual or family owns Malacañang. A president and his family are only temporary residents. Nanakawin niyo na naman sa taumbayan!” komento naman ni Cacay lara.

Facebook Comments