Home Celebrities Si Darna at Bato! Angel Locsin at Sen. Dela Rosa, nagkita sa gitna ng pagtulong nila sa mga nasalanta ng Agaton

Si Darna at Bato! Angel Locsin at Sen. Dela Rosa, nagkita sa gitna ng pagtulong nila sa mga nasalanta ng Agaton

0

Sa pambihirang pagkakataon ay nagkita ang aktres na si Angel Locsin at si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Pawang nasa Abuyog, Leyte ang dalawa upang mamigay ng tulong sa mga nabiktima ng bagyong Agaton nitong Abril 19.

Kahit mismo ang senador ay hindi naiwasan na magbiro tungkol sa pagkikita nila ni Angel na nakilala sa kanyang role bilang ‘Darna’.

“Ang Darna at ang Bato nagkasabay mamigay ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Agaton sa Abuyog, Leyte.” sabi ng senador.

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang pagkikita ni Angel at Bato na pawang magkaiba ang mga sinusuportahang kandidato ngayong kampanya.

“Makakalipad na c Darna nakita na nya yon bato nya hehe goodvibes lang ,sana magkaisa nalang bawat pilipino ,isang bayan isang lahi nagtutulungan at nagmamahalan bilang kapwa tao at alang alang sa Panginoong Diyos na lumikha sa bawat isa sa atin,,God Bless Everyone ,may the peace hope and love if God be with us all…” sabi ni netizen Nancy Castor.

“Ganyan sana lahat kahit mag ka ibang partido yan pag dating ng pag tulong sa kapwa dahil sa sakuna, masayang nagkakatulungan…” ani Proverbs Artscraft.

“Sana ganyan na lang kahit magkatunggali ng partido ay nagkakaisa, yan ang gusto ni Bbm mangyari sa atin bansa maganda tingnan kong nagkakaisa hindi nag aaway,” komento naman ni Carmz Mallari.

Facebook Comments