Home Celebrities Pokwang, planong kasuhan ang basher ng kanyang anak: “See you in court!”

Pokwang, planong kasuhan ang basher ng kanyang anak: “See you in court!”

0

Hindi na nakapagtimpi ang komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang ‘Pokwang’ matapos i-bash ng isang netizen kahit ang kanyang anak na si Malia na apat na taong gulang.

Nag-umpisa ang lahat ng mag-post si Pokwang ng video ng kanyang anak na si Malia na ipinagmamalaki ang kanyang sarili.

“I’m smart. I’m Malia. I’m so beautiful and smart. I’m Malia,” sabi ng bata.

Ngunit isang netizen ang hindi pumabor sa sinabi ni Malia at sinabi na habang tumatagal ay nagiging kamukha na ito ng kanyang ina.

“Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay. Sana wag mamana ugali ng nanay na panget din,” sabi ni netizen @roxet08.

Bilang ganti ay tinawag na “palamunin” at “troll” ni Pokwang ang nasabing netizen.

“Ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay waaaa pangit daw si Malia???? Haaa??e ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan!o pang pelikula deba?? magandang title,” sabi ni Pokwang.

Sinabi din nito na kakasuhan niya ang nasabing netizen.

“Ok nurse ka pala? Noted this see in court bullying innocent child ok,” sabi ni Pokwang.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa banat ni Pokwang.

“You are public figure pokwang … you should ready yourself for these incidents… i highly suggest make privately po if ayaw nyo makarinig ng bash…” sabi ni netizen Khely Santos.

“Kaydali s mdaming pera ang mgsbing see you in court kc pera pera lng yan.. makapag bash ka kay bbm akala mu ikaw lng my karapatan..” ani Erma Sabado.

“Huwag mo gawin sa kapwa mo yung ayaw mo gawin sa iyo at pamilya mo…
You reap what you sow….” komento naman ni Daniel Cabrera.
Matatandaan na kritiko si Pokwang ng pamilya Marcos at masugid na tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.
Facebook Comments