Home Celebrities Kilig si Madam! Robredo nabigla matapos malaman na nanonood si Piolo Pascual sa live niya

Kilig si Madam! Robredo nabigla matapos malaman na nanonood si Piolo Pascual sa live niya

0

Halatang nagulat si presidential candidate Vice President Leni Robredo matapos niyang malaman na nanonood sa live video niya ang aktor na si Piolo Pascual.

Sa isang video, makikita si Robredo habang binabati ang mga nanonood sa kanyang live ng bigla niyang mabasa ang pangalan ni Piolo sa listahan ng mga viewers.

Tila hindi pa makapaniwala ang bise presidente at napatanong pa siya sa katabi niya kung ang aktor ba talaga ang nanonood sa kanya.

“Oh my God, si Piolo Pascual nanonood?” ani Robredo. “Bigla akong na-concious. Hi Piolo! Thank you very much for the support,” 

Inamin pa ni Robredo na isa siya sa mga fan ni Piolo kaya naman tuwang tuwa siya na malaman na pinapanood siya ng kanyang idolo.

“Siguro nakarating na sa iyo even before that I am such a huge, hughe fan. So ang pag-declare mo ng support, it really meant the world.” sabi pa ng bise presidente.

Matatandaan na nitong Abril 11 ay nagpahayag ng suporta si Piolo kay Robredo.

READ MORE: Piolo Pascual, ibinahagi ang pagsuporta kay VP Leni Robredo: “Ganito ang itsura ng totoong unity!”

“Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taumbayan. Pilipino para sa kapwa Pilipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nakapagparamdam niyan sa atin sa loob ng napakaraming taon. Si Leni Robredo lang,” ani Piolo.

“At si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksyon,” dagdag niya pa.

Facebook Comments