Home Politics Hindi pagsipot ni Pacquiao sa presscon nila Lacson at Moreno, plano diumano ng Panginoon

Hindi pagsipot ni Pacquiao sa presscon nila Lacson at Moreno, plano diumano ng Panginoon

0

Naniniwala ang kampo ni presidential candidate Manny Pacquiao na ang Diyos ang may kagagawan kung bakit hindi nakadalo ang pambansang kamao sa joint press conference na inorganisa ng mga kapwa niya kandidato na sina Manila City Mayor Isko Moreno, Sen. Ping Lacson, Dr. Willie Ong at Norberto Gonzales.

Matatandaan na hindi nakatanggap masyado ng positibong reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing presscon kung saan ay sinabi ng mga dumalong kandidato na hindi sila aatras.

Ito’y matapos diumano silang alukin ng kampo ni Vice President Leni Robredo na huwag ng ipagpatuloy ang pagtakbo at magkaisa na lamang laban sa nangungunang presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” marcos Jr.

Isa si Pacquiao sa mga sana’y dadalo sa nasabing pagtitipon ngunit nahuli ito dahil sa hindi makalipad ang pambansang kamao mula General Santos papunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Buddy Zamora, campaign manager ni Pacquiao ay mayroon daw “divine intervention” na nangyari kaya hindi nakadalo ang senador sa kontrobersiyal na press conference.

Hindi rin daw nila alam na pumayag si Pacquiao sa imbitasyon nila Moreno at Lacson.

“Manny Pacquiao was not in the presser because unfortunately he was coming from Gen San, and he couldn’t make it on time. He had every intention of joining the presser because he promised, this was a talk between Senator Lacson and Senator Pacquiao,” pagbabahagi ni Zamora sa ANC.

“And actually, we were not privy to the invitation. We were on vacation that time. This happened on Easter Sunday. So the decision of Senator Pacquiao was made in Gen San, and without our prior knowledge,” dagdag niya pa.

Nang tanungin siya kung ano ang kanyang pakiramdam ng hindi natuloy si Pacquiao sa presscon, sinabi ni Zamora na nakaramdam siya ng gaan ng loob.

 “I was relieved. So I think the choice was we call it divine intervention that he was not able to make it, he was actually in the air circling around waiting for the instructions to land but unfortunately he was able to land just before 2 pm and that the presser had already finished.“ sabi ni Zamora.

Ayon sa kanila ay ayaw din ni Pacquiao na may mag-withdraw sa kahit sinong kandidato, kabaliktaran ng kagustuhan ni Moreno.

Naniniwala naman sila na matatalo parin nila si Marcos sa darating na eleksyon.

“I believe that we can beat Mr. Marcos come election day, we still have about 19 days to go,” sabi pa ni Zamora.

Facebook Comments