Home Celebrities Dati proud ako sayo! Sharon Cuneta, tinawag na ‘trapo’ si Yorme Isko Moreno

Dati proud ako sayo! Sharon Cuneta, tinawag na ‘trapo’ si Yorme Isko Moreno

0

Hindi naiwasan pag usapan nila Sharon Cuneta at Regine Velasquez ang paghahamon ni presidential candidate Manila City Mayor Isko Moreno sa kapwa niya kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na nitong Abril 17 ay hinamon ni Moreno si Robredo na umatras na sa kanyang kandidatura.

Sa nasabing presscon ng kanilang darating na concert na “Iconic” idinaan sa biro ni Sharon at Regine ang naging hamon ni Moreno sa kanilang sinusuportahang kandidato.

“Napag-withdraw ako pang-grocery,” ani Sharon.

“Beke nemen,” tugon naman ni Regine.

“Yung asawa ko nag-withdraw pang utilities namin. Ganun lang nagwi-withdraw sa amin,” hirit pa ng Megastar.

Matapos ang kanilang pagbibiruan ay naging seryoso bigla si Sharon at sinabi na noon ay hanga siya kay Moreno lalo na’t nagumpisa ito sa hirap.

Ngunit tila habang tumatagal ay naging traditional politician na o ‘trapo’ ang alkade.

“When he was starting, I had a little pride in me of him dahil sa istorya ng buhay niya,” ani Sharon.

“But frankly, as the years went by parang nakikita mo yung signs ng pagka-traditional politician,” dagdag pa ni Megastar.

Hindi naman natuwa ang ilan sa mga tagasuporta ni Moreno ang mga sinabi ni Sharon.

“Sakin lang, kung ibabangga mo sa kanyang mister na si senator Kiko Pangilinan, may mga nagawa namang maganda si senator Kiko, pero ba’t hindi masyadong tumatatak sa tao, tanungin mo yung mga tao kung ano ang nagawa ni Kiko Pangilinan, tignan mo kung may maisasagot,” sabi ng vlogger na si Models of manila TV.

“Parang walang proyekto si Kiko na tumatak kahit na matagal na siyang politiko. Si Isko, magandang paaralan, magandang pabahay, magandang eskwelahan, si Mayor Isko yan. Si Sen. Kiko nasan ‘yung ganon?” dagdag niya pa.

Facebook Comments