Home Celebrities Abogado, sinermonan si Bishop Pablo David matapos nitong sabihin na biktima si Hesus ng ‘red-tagging’

Abogado, sinermonan si Bishop Pablo David matapos nitong sabihin na biktima si Hesus ng ‘red-tagging’

0

Isang abogado ang hindi napigilan na sermonan ang mismong presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Nitong Abril 15 ay sinabi ni David sa kanyang homily na biktima si Hesukristo ng ‘red-tagging’ na nauuso ngayon sa kasalukuyang administrasyon.

“Siguro kaya Red ang kulay ng Biyernes Santo. Paalala din ito na ang ikinamatay ni Hesus sa krus ay red-tagging,” ani David.

“Organizer daw kasi siya ng mga poor fishermen sa Galilea, naglalagi pa siya sa mga liblib na lugar tulad ng mga disyerto at bundok, at related pa siya sa isang kilalang aktibistang propeta na si Juan Bautista at maanghang din magsalita. Ayun, subersibo daw,” dagdag niya pa.

Ngunit ayon kay Atty. Bruce Rivera ay hindi red-tagging na maituturing ang nangyari kay Hesus.

“Ang kinamatay ni Hesus ay hindi red-tagging. Ang kinamatay ni Hesus ay dahil hinayaan ni Herodes ang mga Hudyo na andun ang magpasya. Kaya umabot kay Pilato na walang paninindigan. Hindi ang korte, hindi ang buong empire kundi ang mga Hudyo na galit na kay Hesus kasi siniraan ito ng mga Pharisees.” ani Rivera.

“Father, nung panahon ni Jesus kinakastigo na ang rebelyon. Kaya napagbintangan siya hindi dahil rebelde siya kundi dahil threat siya sa mga Pharisees. Hindi lang siya tinag at pinako sa cruz. Hinayaan kasi ng sistema na hindi batas ang pairalin kundi ang tsismis.” dagdag niya pa.

Pinaalalahan din nito si David na sana’y huwag ng gamitin at ihalintulad pa si Hesus sa mga kalaban ng estado.

“Ang pagsabi na ang isang tao ay pula ay hindi kasalanan gaya ng pagsabi na magnanakaw ang isang tao kahit inakusahan pero hindi nahatulan ng pagnanakaw. Ang red-tagging paraan ng pang-aakusa na dapat hanapan ng pruweba at sa korte ang laban kung ikaw ang biniktima.” paalala ng abogado.
“Father, iprove ng mga na red tag ang pangigipit ng estado para masasabi natin na kailangan nila ng hustisya kasi karapatan ng estado na puksain ang anay na dulot ng CPP-NPA. Kaya huwag mong ihalintulad si Jesus sa mga anay na sumisira sa ating mga haligi habang hinahayaan niyo magnanakaw ang tag sa iba.” dagdag niya pa.
Facebook Comments