Home Celebrities Walang paramdam! Jake Zyrus, dedma parin daw kahit na nai-cremate na ang lola at tito niya

Walang paramdam! Jake Zyrus, dedma parin daw kahit na nai-cremate na ang lola at tito niya

0

Nangibabaw parin diumano ang katigasan ng loob ng singer na si Jake Zyrus matapos ipaalam ng ina nito na si Raquel Pempengco na hindi man lang daw nagparamdam ang singer sa kanila matapos pumanaw ang dalawang kamag anak nila.

Sa panayam sa kanya ng DZRH nitong Abril 17, 2022 ay sinabi ni Raquel na hindi pumunta o nagbigay lamang ng mensahe si Jake sa kanila matapos pumanaw ang lola ng singer na si Tes Pineda Relucio at kanyang tiyuhin na si Robert Pineda Relucio.

“Kinonfirm ko po sa kapatid ko, kasi ang kapatid ko ang natitira na lang, at kami, mga pamangkin ko, tinanong ko po kung nag-reach out na ba sa kanila, e, wala naman daw pong nagri-reach out. Yun lang po ang iki-clear ko. At least, binigyan ko po siya binigyan ng chance para makita niya.” ani Raquel.

“Bago ko naman pina-cremate si Nanay at si Kuya Obet, binigyan ko siya ng pagkakataon kung gusto lang niya makita, e, kaya lang po wala naman pong ano, kahit may representative lang sana, e, wala naman pong nagpunta. Sana, hindi na lang sila naglabas ng mga ganun na mga salita para hindi na po madagdagan ang sama ng loob ng mga namatayan,” dagdag niya pa.

Sana man lang daw ay isinantabi muna ni Jake ang sama ng loob niya sa pamilya niya.

“Huwag na lang po sana yung pagbibigay ng respeto sa akin. Respeto na lang po sa nanay ko at sa kapatid ko. Yun na lang po ang hinihiling ko nung oras na yun. Sana, sinet-aside na lang muna niya. Sana, para na lang dun sa patay.” sabi niya pa.

Matatandaan na humingi ng “privacy” si Jake sa pahayag na inilabas niya matapos ang pagpanaw ng dalawang miyembro ng kanilang pamilya.

“This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly,” ani Jake. “Let us help the bereaved to mourn privately,”

“We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Jake sa akusasyon ng kanyang ina.

Facebook Comments