Home Celebrities Sal Panelo, inilabas na ang music video ng kanta ni Sharon Cuneta na ‘Sana’y Wala Nang Wakas’

Sal Panelo, inilabas na ang music video ng kanta ni Sharon Cuneta na ‘Sana’y Wala Nang Wakas’

0

Inilabas na ni dating presidential spokesperson at ngayon senatorial candidate Sal “Sal Panalo” Panelo ang kanyang sariling bersyon ng “Sana’y Wala Nang Wakas” na orihinal na inawit ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang music video na mismong Viva Records ang nag-upload ay makikita ang mga larawan ng mga children, especially those with special needs or disabilities (CWD) kasama ang kanilang mga magulang.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang nasabing kanta matapos tawaging “nakakahiya” ni Cuneta ang pagkanta ni Panelo sa kanyang awitin at hinimok ang kandidato na huwag na itong kantahin pang muli.

READ MORE: Nakakahiya! Sharon Cuneta, ikinabwisit ang pagkanta ni Atty. Sal Panelo sa kanyang awitin: “Don’t mess with a classic!

Dahil dito ay humingi ng paumanhin si Panelo at sinabi na kinakanta niya lamang ito dahil naalala niya ang kanyang anak na si Carlo na pumanaw ilang taon na ang nakakaraan.

Makikita ang mga alala ni Carlo kasama ang kanyang ama at ina sa huling bahagi ng music video.

“In 2018, Philhealth estimated that 1 out of 7 or 5.1 million Filipino children are living with disabilities (CWDs). Special education and therapy for CWDs are costly and inaccessible. 60% of CWDs were out of school in 2019, and therapy costs at least 15% of the monthly household income of CWD families, per studies of DSWD and PIDS. If CWD parents pass away or lose the ability to provide care for their children, there are no public nursing homes or facilities dedicated to the care of orphaned or abandoned CWDs.” ani Panelo.

“It’s about time for the government to prioritize CWDs and their families, and give them the the service and support they so desperately need.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Sharon sa inilabas na music video ni Panelo.

Facebook Comments