Home Celebrities Katrina Velarde, sinabayan ng daan-daang libong Cebuano sa pagkanta sa UniTeam rally sa Cebu

Katrina Velarde, sinabayan ng daan-daang libong Cebuano sa pagkanta sa UniTeam rally sa Cebu

0

Daan-daang libong Cebuano ang nakisabay sa singer na si Katrina Velarde sa kanyang pagkanta sa rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte na ginanap sa Cebu City nitong Lunes.

Sa ilang video na kumakalat sa Facebook ay makikita ang pag-perform niya ng awitin na ‘Isang Lahi’ na sinabayan naman ng kanta ng mga tagasuporta ng tambalang BBM-Sara.

 

Sa kanyang Facebook post, hindi mapigilan magpasalamat ni Katrina sa mga Cebuano dahil sa ngayon lamang siya muli nakakanta sa harap ng napakadaming tao.

“Ngayon lang po ulit ako naka kanta ng ganon kadaming tao, Kinabahan ako. DAGHANG SALAMAT Cebu!” ani Katrina.

Matatandaan na nawalan ng 1,000 followers sa social media si Katrina matapos niyang kumpirmahin ang kanyang pagdalo sa UniTeam rally sa Cebu.

“I already lost 1000 followers. But i am not taking it personally. Still, i respect you. And i appreciate those who respect me too Thank you. Spread love…” sabi ng singer sa kanyang Facebook post.

READ MORE: Singer na nawalan ng 1,000 followers dahil sa pag-perform kay BBM, nakakuha ng 150,000 na bagong fans

Dahil dito ay hinimok ng ilang kilalang tagasuporta ng BBM-Sara ang mga netizens na i-follo si Katrina sa social media.

Mula sa pagkakaroon ng 700,000 folloers ay malapit na ngayong umabot sa 1,000,000 followers ang singer na nakilala sa X Factor Philippines.

 

Facebook Comments