Home Celebrities Grabe napakadami! Dumalo sa rally ng BBM-Sara UniTeam sa Cebu City, umabot ng 300,000

Grabe napakadami! Dumalo sa rally ng BBM-Sara UniTeam sa Cebu City, umabot ng 300,000

0

Maituturing na tagumpay ang isinagawang rally ng tambalan nila presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte sa Cebu City.

Napuno ng kulay pula at berde ang Filinvest Field sa South Road Properties, Cebu City matapos itong daluhan ng daan-daang libong tagasuporta ng nangunguna ngayong tambalan sa mga survey.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) ay umabot ng mahigit 300,000 katao ang nagpakita ng suporta sa tambalang BBM-Sara.

Samantala ay umabot naman sa 203,400 viewers ang nasabing rally sa social media giant platform na Facebook.

Nagbigay saya din sa rally ang mga performer na sila Andrew E, Toni GOnzaga, Katrina Velarde, DJ Loonyo, BuDaKhel (Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan), Dea Formilleza, J Roa, Mark Herras, Bayani Agbayani, Rodjun Cruz, Aegis, Shamrock, Plethora, Magnus Haven, Hale, ILT Band, Dukes Band, Sexbomb Newgen Girls, at Silent Sanctuary.

 

Isa ang Cebu sa vote-rich provinces sa Pilipinas kaya naman masaya ang UniTeam sa suporta na natanggap nila mula sa nasabing probinsiya.

Noong 2016 ay nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mahigpit na katunggali ni Marcos ngayon na si Vice President Leni Robredo sa nasabing probinsya.

Inaabangan ngayon kung mananalo nga ba ngayon si Marcos sa puso ng mga Cebuano sa kabila ng kanyang nakuhang boto noong 2016 sa nasabing probinsiya.

Facebook Comments