Home Celebrities Archie Alemania, nag ala Gab Valenciano sa grand rally ng tambalang BBM-Sara sa Cebu City

Archie Alemania, nag ala Gab Valenciano sa grand rally ng tambalang BBM-Sara sa Cebu City

0

Milyon milyong views sa social media ang natanggap ng aktor at komedyante na si Archie Alemania sa social media matapos ang kanyang performance sa rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte sa Cebu City nitong Lunes.

Sa Facebook post ni John Steve Roger ay makikita si Archie na tila ginagaya ang viral performance ni Gab Valenciano sa grand rally ni Vice President Leni Robredo.

“Pag sinabi presidente, sabihin BBM. Pag sinabi bise presidente, sabihin Sara,” sigaw ni Archie sa mga nanonood.

Sinundan ito ng sayaw ni Archie na tila kahawig ng dance moves ni Gab na anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Sa ngayon ay umabot na ng 8.5-M views at 370,000 reactions sa social media ang nasabing video.

Ilang netizen naman ang nagbigay ng kanilang komento sa nasabing performance ni Archie.

“This is much more energetic than the original one,” sabi ni Eceharry Camarines.

“Ayan ang masarap sa uniteam, masaya goodvibes at walang problema. Habang sa kabila pure hatred stress, walang bukang bibig kundi negative,” komento naman ni Zssy Macaron.

Ngunit hindi lahat ay natuwa sa ginawang performance ng komedyante.

“Sir your action doesn’t show what BBM wants us to do, nakakasira sa imahe ni BBM ang ginagawa nyo ket pa sabihin nyong for fun.” ani Partz Tante.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng kanyang reaksyon si Gab sa ginawang sayaw ni Archie.

Facebook Comments