Home Celebrities Singer na nawalan ng 1,000 followers dahil sa pag-perform kay BBM, nakakuha ng 150,000 na bagong fans

Singer na nawalan ng 1,000 followers dahil sa pag-perform kay BBM, nakakuha ng 150,000 na bagong fans

0

Isang singer ngayon ay pinag-uusapan sa social media matapos siyang makatikim ng “cancel” mula sa mga dismayadong netizens na nalamang magpe-perform siya para sa rally ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang panayam sa Philippine Entertainment Portal, inamin ni Katrina Velarde na nalagasan siya ng followers dahil sa pagdalo niya sa UniTeam rally na gaganapin sa Cebu City.

Matapos siyang mawalan ng followers ay nagbigay lamang ito ng maiksing mensahe.

Imbis na magalit ay nagpasalamat na lamang ito sa kanyang post.

“I appreciate you mga mi. Thank you.”

“I already lost 1000 followers. But i am not taking it personally. Still, i respect you. And i appreciate those who respect me too [heart emoji] Thank you. Spread love…” dagdag niya pa.

Ngunit nag-viral ang nasabing post ni Katrina kaya naman libo libong netizens na karamihan ay tagasuporta ng UniTeam ang nag-follow sa singer.

Ilang bloggers din ang hinimok ang mga netizen na i-follow ang singer sa social media.

Sa ngayon ay umabot na ng 850,000 ang followers ni Katrina sa social media.

Wala pang pahayag ang singer tungkol sa paglobo ng kanyang followers.

Matatandaan na usong uso ngayon ang “cancel culture” sa social media lalo na ngayong papalapit na ang eleksyon.

Maliban kay Katrina ay nakaranas din ng pambabatikos ang aktres at host na si Toni Gonzaga, mga bandang Hale at Silent Sactuary at Andrew E. dahil sa desisyon nila na mag-perform para kay Marcos.

Ngunit hindi lamang mga performer ni Marcos ang nababatikos sa ngayon.

Nitong nakaraang mga araw ay inulan din ng kutya sa social media ang singer na si Gab Valenciano dahil sa kanyang pagperform sa rally ni Vice President Leni Robredo.

Facebook Comments