Home Celebrities International relations expert kay Rita Avila: “Teach me why Leni has the best geopolitical awareness”

International relations expert kay Rita Avila: “Teach me why Leni has the best geopolitical awareness”

0

Isang international relations expert ang tinanong si Rita Avila matapos sabihin ng aktres na ang mga hindi boboto kay presidential candidate Vice President Leni Robredo ay hindi pa natututo hanggang ngayon.

Sa kanyang post sa social media, nagbigay muli ng mensahe si Rita sa mga netizens na hanggang ngayon ay hindi parin lumilipat kay Robredo.

Ipinagmalaki din nito ang diumano’y mga achievement ng bise.

“Sana ay wag mong isipin na pinipilit kita lumipat. NOPE. Isa kang alimango na mahilig mamintas at mantapak ng mas mataas sa’yo ‘di ba? Isa kang tahong sa dagat na nakakapit sa mga madumi.”

Naiintindihan naman daw ni Rita kung bakit hindi parin pinipili ng mga tao si Robredo dahil ayon sa kanya ay hindi pa sila natututo.

“Choice mo ‘yan. Go anak/kapatid. Hindi mo pa araw na matuto. Darating din yun. Mahal ka ng Diyos,” sabi ng aktres.

Matapos kumalat sa social media ang post ni Rita ay tinanong ito ng eksperto na si Sass Rogando Sasot kung bakit si Robredo ang may pinakamagandang foreign relations at geopolitical awareness sa lahat ng kandidato.

Kung maipapaliwanag daw ito ni Rita ay baka lumipat ito kay Robredo.

“Hi Miss Rita Avila, I would like you to teach me one day why Leni Robredo has the best geopolitical awareness and foreign policy among all the candidates. If you can convince me, I will switch to Leni. Salamat po!” ayon sa post ni Sass.

Wala pang tugon ang aktres sa sinabi ni Sass.

Facebook Comments