Home Celebrities Gab Valenciano di nakapagtimpi sa isang basher: “This is a reflection of society today”

Gab Valenciano di nakapagtimpi sa isang basher: “This is a reflection of society today”

0

Hindi na nakapagtimpi pa si Gab Valenciano sa isa sa mga basher niya sa social media.

Ang nasabing netizen kasi, hiniling na sana’y tapusin na ni Gab ang sarili niyang buhay na matatandaang nag viral dahil sa kanyang performance sa mga rally nila Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.

READ MORE: Pang tapat kay Andrew E? Performance ni Gab Valenciano sa rally ni VP Leni, usap usapan

Matatandaan na naging kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Gab sa gitna ng kanyang isyu sa mental health.

“Ano pa inaantay mo brod kung maka puna ka kay tatay digs wagas… pakamatay ka na… di na kaya ng depression mo eh,” sabi ng netizen kay Gab.

Sinagot naman ito ni Gab at halata ang pagiging kalmado nito sa kanyang tugon.

Ipinagmalaki din ni Gab ang suporta na natatanggap niya sa pamilya niya.

“This is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering millions of Filipinos struggling to make ends meet. Shame on you. I have a beautiful family, support system and a God who loves me. Not my fault you’re miserable,” sabi ni Gab.

Ayon sa kanya ay lagi siyang nakakatanggap ng mga negatibong mensahe sa social media kaya naman nasanay na siya na tanggapin ang mga ito.

Ngunit nag aalala siya sa mga tao na hindi kayang makatanggap ng mga ganitong klaseng pambabatikos.

“I receive tweets and messages like this everyday. I managed to build enough strenght to disregard comments like this.” saad ni Gab.

“But how about the people that aren’t strong enough? Who may not have a support system I do?” dagdag niya pa.

Nitong nakaraang Linggo ay nagpakita ng suporta ang mga magulang ni Gab na sina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano.

READ MORE: Angeli Pangilinan, sinabing bayaran ang mga bumatikos kay Gab Valenciano: “It took years for him to bounce back”

Binalaan nila ang mga netizens sa kondisyon ni Gab.

Ngunit ayon sa kanya ay hindi na kailangan pang mag alala ng mga magulang niya.

Facebook Comments