Nilinaw ng Pampanga Police Provincial Office na hindi aabot sa 220,000 ang tao na dumalo sa grand rally nila Vice President Leni Robredo at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa nasabing probinsya.
Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, sinabi nng San Fernando PNP na aabot lamang sa 70,000 ang kanilang estima, malayo sa 220,000 na kumakalat sa social media.
Sinabi nila na 70,000 lamang ang maximum capacity ng nasabing venue.
Kinumpirma din nila na hindi purong mga taga Pampanga ang dumalo sa nasabing rally at mayroong mga pumunta na taga ibang probinsya.
“Based on our assessment of the crowd, we had a rough estimate of 70,000 supporters and volunteers mostly coming from the youth sector from different towns and
provinces such as NCR, Bulacan, Bataan, Tarlac and Nueva Ecija and not 200,000 being claimed and released on media and other social media platforms since the event
area can only hold a maximum of 70,000 persons at a time as per mall management during the series of meetings prior to the holding of the event.” ayon sa PNP.
Nilinaw naman ng organizer ng nasabing rally na hindi sila ang naglabas ng estima na 220,000 kundi ang PNP.
Hindi rin daw nila hinahabol kung madami ang pumunta sa rally at ang mahalaga lamang daw ay masaya ang mga dumalo sa nasabing rally.
Ilang kritiko naman ni Robredo ang hindi mapigilang batikusin ang kampo ng bise.
“Ah di pala organic supporters ng Pampanga mga umattend sa Leni Kiko Proc.Rally kundi mga taga NCR,BULACAN,BATAAN,TARLAC AT NUEVA ECIJA..tas hindi totoong 200,000 ang attendees kundi 70,000 lang..Buti nilinaw ng PNP yan..Nuknukan pala talagang SINUNGALING ang Leni Kiko team,” sabi ni Gina Lucina.
“Nakaka tawa dyan maka angkin sila ng katulad sa pampanga is pink daw. tapos may mga galing palang bulacan , ncr etc. pag nagsabi ka ng pampanga is pink dapat puro kapapampangan ang nandoon hindi galing sa ibat ibang probinsya,” sabi pa ng isang netizen.