Home Celebrities Ogie Diaz, sinabing mali ang paggamit ni Claudine Barretto kay Rico Yan sa politika: “For delicadeza!”

Ogie Diaz, sinabing mali ang paggamit ni Claudine Barretto kay Rico Yan sa politika: “For delicadeza!”

0

Hindi nagustuhan ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz ang tila paggamit ng aktres na si Claudine Barretto sa namayapa niyang ex-boyfriend na si Rico Yan.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Ogie na dapat ay hindi na binanggit pa ni Claudine ang paghanda diumano ni Rico kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kung hindi daw kasi ito totoo ay wala ng tyansa pa si Rico na maitanggi ang sinasabi ni Claudine dahil nga sa pumanaw na ito.

“Alam mo, dapat talaga hindi na binanggit pa ito ni Claudine para lang patotohanan ang kanyang stand, ang kanyang choice. Ako, feeling ko lang Loi, for delicadeza, dapat hindi na yun binanggit pa ni Claudine kasi parang ano, makukuha ba natin yung panig ni Rico Yan sa isyung ito? Para itanong natin kay Rico Yan, through medium, ‘Rico, totoo ba yung sinasabi ni Claudine?'” 

“Kaya, itong kay Rico Yan, maling mali talaga yung ginawa ni Claudine. Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan.” dagdag niya pa.

Matatandaan na sa kanyang Instagram post ay sinabi ni Claudine na tumatakbo ngayon bilang konsehal sa Olongapo na ang kanyang dating nobyo na dalawang dekada ng namamayapa ay tagasuporta daw ng pamilya Duterte at Marcos.

“It was about year 2000 when we met with President Duterte. In that same year we met Maam Sara & lastly BBM [Bongbong Marcos]. Rico looked up to these people,” ani Claudine.

READ MORE: Pati nakahimlay nadamay! Rico Yan,hindi susuporta sa mga Marcos ayon sa isang talent manager

 

Facebook Comments