Home Celebrities Maja Salvador, binatikos matapos i-endorso ang party-list na isa sa nagpasara ng ABS-CBN

Maja Salvador, binatikos matapos i-endorso ang party-list na isa sa nagpasara ng ABS-CBN

0

Inulan ng batikos sa Twitter ang aktres at Eat Bulaga host na si Maja Salvador matapos nitong magpakita ng suporta sa party-list na isa sa mga bumoto upang isara na ng tuluyan ang ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Maja ang pagsuporta niya sa Pwuwersa ng Bayang Atleta party-list na nirerepresenta ni Rep. Jericho Nograles, isa sa mag bumoto laban sa ABS-CBN.

“Intense ako maghanda para sa performances ko, malaki man o maliit. Kaya excited ako ishare sa inyo na nakahanap ako ng mga kakampi na tulad ko pagdating sa pagpapakita ng pagmamahal sa ating larangan at sa kabataan.” ani Maja.

“Maraming salamat sa PBA partylist sa pagbibigay ng suporta sa mga atletang pinoy, pati narin sa mag gaya ko na nagsusumikap para sa tagumpay!” dagdag niya pa.

Dahil dito ay hindi mapigilan ng mga tagasuporta ng ABS-CBN na batikusin si Maja dahil ilang dekada itong naging Kapamilya.

“Sa true lang, di naman kasi siya naapektuhan ng pagkawala ng franchise ng ABS kasi ang bilis niya lang nakalipat ng istasyon, mabilis makahanap ng iba, so kahit itag niyo pa yan, la naman pakialam yan, kasi masarap na buhay niyan,” sabi ni @CQuiwa.

“Such a disappointment, @dprincessmaja. Sana naisip mo man lang kahit yung mga naging katrabaho mo na lang sa ABS.” ani @andresam1992.

“Kahit hindi na nga gratitude sa Dos. Respeto na lang sa mga naging kasamahan na nawalan ng trabaho di ba?” komento naman ni @OfficialKpex.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Maja sa mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga fans ng ABS-CBN.

Facebook Comments