Home Celebrities Kapatid ni Rico Yan, sa mga ginagamit ang pangalan ng aktor: “You have no right dragging my late brother’s name!”

Kapatid ni Rico Yan, sa mga ginagamit ang pangalan ng aktor: “You have no right dragging my late brother’s name!”

0

Hindi na nakapagtimpi pa ang kapatid ng namayapang aktor na si Rico Yan dahil sa tila sa paggamit ng ilang indibidwal sa pangalan nito para sa kanilang pansariling interes ngayong kampanya.

Sa kanyang Instagram story, binanatan ni Tina Marie Yan ang ilang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Rico upang ikampanya ang kanilang mga kandidato kahit na 20 taon ng namayapa ang kapatid niya.

“Some supposed Filipino educator, writer, multi-media producer, talent manager, author, broadcaster (daw) had some nerve to post my late brother’s picture in his IG and use it to make it seem he is attacking someone else who used my late brother’s name for her campaign,” ani Tina.

Hindi man binanggit ni Tina ang pangalan ng kanyang binabatikos ay ilang netizen ang naniniwala na ang beteranong producer na si Noel Ferrer ang pinapatamaan niya.

Screencap mula sa Instagram comment ni Claudine Barretto (@claudbarretto)

Matatandaan na binatikos ng procuder ang ex-girlfriend ni Rico na si Claudine Barretto matapos sabihin ng aktres na pro-BBM ang namayapang aktor.

Ayon kasi kay Noel ay anti-Marcos ang namayapang aktor.

Naniniwala si Tina na magkapareho lamang ang producer at ang aktres na ginagamit ang pangalan ni Rico upang itulak ang kanilang pansariling interes sa politika.

“The sickening part of all this is that what he accuses the other person doing, is what he is EXACTLY doing himself as his IG obviously shows which presidential candidate he is rooting for,” sabi pa ni Tina.

“And to make matters really worse, he dares post a photo of my late brother making it seem like they were ‘oh so close’ that he can say what he thinks.” dagdag niya pa.

Nakiusap naman si Tina na huwag na sanang gamitin pa ang kanyang kapatid ngayong kampanya.

“YOU listen to me as I say it again, YOU HAVE NO RIGHT DRAGGING MY LATE BROTHER’S NAME INTO YOUR INDIRECT CAMPAIGN MOTIVES.” babala ni Tina.

“And you are far more worse as you have the nerve to tag a priest into your post. Just goes to show how pathetic you’ve stooped down to. I don’t care about yours or anyone’s political views — YOU JUST LEAVE MY LATE BROTHER’S NAME OUT OF THIS. Pathetic!”  dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Noel at Claudine sa banat sa kanila ng kapatid ni Rico.

Pumanaw si Rico noong 2002 sa edad na 27 sa gitna ng kanyang kasikatan dahil sa atake sa puso.

Facebook Comments