Home Celebrities Isa sa mga cast ng Vincentiments ‘Len-Len series’ isa palang tagasuporta ni VP Leni Robredo: “We are pink!”

Isa sa mga cast ng Vincentiments ‘Len-Len series’ isa palang tagasuporta ni VP Leni Robredo: “We are pink!”

0

Ikinagulat ng mga netizens na ang isa pala sa mga cast ng parody series ng Vincentiments para kay Vice President Leni Robredo na ‘Len-Len’ ay isa palang miyembro ng Kakampink.

Sa kanyang Facebook post, ibinunyag ni Rowena Quejada o mas kilala ng mga fans ng Vincentiments bilang si ‘Mosang’ ang pagdalo niya sa rally ni Robredo sa Pampanga.

“WE are PINK and YES we are here @ San Fernando, Pampanga,” ani Mosang.

Kasama ni Mosang sa Len-Len series si Sen. Imee Marcos at Julia Parizcova Segovia.

Ang nasabing series ay parody tungkol kay Robredo na matinding katunggali ngayon ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ilang netizens naman ang pinuri si Mosang na matatandaang pinangigilan ng milyo milyong netizens dahil sa kanyang karakter na ginagampanan sa mga short movies ng Vincentiments.

“Maraming salamat po sa pantindig!” sabi ni Zel Astrero.

“Super thanks ate. Just shows mas mahalaga at hindi mababayaran ang prinsipyo!” sabi ni Ace Christian Sesante.

Nagbigay din ng reaksyon ang mismong direktor ng Vincentiments na si Direk Darryl Yap at sinabi na matagal na nilang alam na maka-Robredo talaga si Mosang.

“Hindi po totoong nagbago ng isip ang Mommy Weng namin; Talagang pong simula’t sapul siya ay makaLENI. Gayunpaman, walang lamat o bitak sa aming samahan; at siya mismo naranasan nya nang personal ang kabaitan ni Sen. Imee Marcos.” ani Darryl Yap.

“Ngayon, Bakit po gulat na gulat ang mga kapwa nya Kakampink? Kasi po hindi nila alam na pwede pala iyon; ang magpatuloy ang pagkakaibigan at trabaho kahit magkaiba kayo ng paninindigang Politikal, basta manatili ang respeto at pagtanaw ng utang na loob.” dagdag niya pa.

Facebook Comments