Home Celebrities Frankie Pangilinan, inamin na crush noon si Ricci Rivero na tagasuporta ni BBM: “I’m embarrassed”

Frankie Pangilinan, inamin na crush noon si Ricci Rivero na tagasuporta ni BBM: “I’m embarrassed”

0

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Frankie Pangilinan na nagkaroon siya ng ‘crush’ sa UP Fighting Maroons star na si Ricci Rivero.

Matatandaan na pinag-uusapan ngayon sa social media si Ricci dahil sa kanyang matagumpay na proposal sa aktres na si Andrea Brillantes.

Sa gitna ng isyu ay kumalat naman ang isang video kung saan makikita si Frankie na todo ang pag-cheer kay Ricci sa isa sa mga basketball game nito.

Umabot na sa daan daang libong views ang nasabing video kaya naman nag-tweet na si Frankie upang linawin na matagal niya ng hindi gusto si Ricci.

“I would like to apologize for ever having a crush on r***i r***** my past behavior was unacceptable and i am learning and growing,” ani Frankie.

“bc this is blowing up i need to disclaim that i was 16 and it was literally a v minor happy crush that lasted two months at most but i’m still incredibly embarrassed and am holding myself accountable,” dagdag niya pa.

Matatandaan na inulan din ng batikos noon si Ricci sa Twitter dahil sa pagsuporta niya kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lubos naman na kinamumuhian ni Frankie.

Ilang netizens naman ang sinabi na naiintindihan nila ang pagkakamali ni Frankie.

Ngunit may ilan na hindi natuwa sa timing ng tweet ng singer.

“Gosh pampam masyado,” sabi ng netizen.

“Huh!! Nakakadiri na ba magkaroon ng crush kay ricci?. Sobra naman taas ng tingin ni girl sa sarili nya parang ang sama tao ni ricci para magsorry at magsisi nagkacrush sya kay r.” komento pa ng isa.

Hindi pa nagbibigay ng kanyang tugon si Ricci sa rebelasyon ni Frankie.

Facebook Comments