Home Celebrities Darryl Yap, tanggap na Kakampink si Mosang: “Hindi po si Leni o BBM ang susukat sa aming pagmamahal”

Darryl Yap, tanggap na Kakampink si Mosang: “Hindi po si Leni o BBM ang susukat sa aming pagmamahal”

0

Tanggap ng kilalang direktor ng Vincentiments na si Darryl Yap ang pagsuporta ng isa sa mga aktres na lagi niyang kinukuha sa mga short movies kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na nitong nakaraang Linggo ay ibinunyag ni Rowena Quejada o mas kilala ng mga netizens bilang si ‘Mosang’ na siya ay sumusuporta sa tambalang Leni-Kiko.

Nagbahagi din ito ng kanyang mga larawan na kuha sa kanyang pagdalo sa rally sa San Fernando, Pampanga.

Ilang Kakampink ang nagulat kay Mosang dahil ang kanyang direktor na si Darryl ay kilalang tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

READ MORE: Isa sa mga cast ng Vincentiments ‘Len-Len series’ isa palang tagasuporta ni VP Leni Robredo: “We are pink!”

Ngunit ayon kay Darryl ay matagal niya ng alam ang paniniwala ni Mosang pagdating sa politika at buong puso niya itong tinanggap.

Ibinunyag din niya na hindi lang si Mosang ang sumusuporta kay Robredo na parte ng Vincentiments.

“Hindi po totoong nagbago ng isip ang Mommy Weng namin; Talagang pong simula’t sapul siya ay makaLENI. Gayunpaman, walang lamat o bitak sa aming samahan; at siya mismo, naranasan nya nang personal ang kabaitan ni Senator Imee R. Marcos.” sabi ng direktor.

“Ngayon, Bakit po gulat na gulat ang mga kapwa nya Kakampink? Kasi po hindi nila alam na pwede pala iyon; ang magpatuloy ang pagkakaibigan at trabaho kahit magkaiba kayo ng paninindigang Politikal, basta manatili ang respeto at pagtanaw ng utang na loob.” dagdag niya pa.

“Siya po ay 12 years ko nang kaibigan at nanay-nanayan. hindi po si Leni o BBM ang susukat sa aming pagmamahal para sa isa’t-isa.” sabi niya pa.

Ibinahagi din nito ang kanilang pag-uusap ni Mosang sa social media kung saan ay makikita ang kanilang mother and son relationship.

Pinuri naman ng mga netizens ang professionalism ng dalawa.

“Very Poffesional si Madam Rowena. Sana ganyan din ang ibang artista.sa mga arte niya jan di mo aakalaing siya ay full blooded pinklawan hahahaha. bravooo!” sabi ni Annlizze Cercado.

Facebook Comments