Home Celebrities Xian Gaza, tinawag na ‘scripted’ ang GomBurZa issue sa Pinoy Big Brother: “Para pag usapan lang!”

Xian Gaza, tinawag na ‘scripted’ ang GomBurZa issue sa Pinoy Big Brother: “Para pag usapan lang!”

0

Hanggang ngayon ay usap-usapan parin ang nangyayaring quiz sa Pinoy Big Brother (PBB) dahil sa mali-maling sagot ng mga contestant nila.

Pinakapinagusapan ang sagot ng isang housemate na iimbis na GomBurZa ang itawag sa pinagsamang pangalan ng mga martir na pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos and Jacinto Zamora ay ginawa itong “MaJoHa”.

Ayon sa internet celebrity na si Christian Albert Gaza ay maaring ‘scripted’ lamang ang nasabing eksena sa loob ng PBB house upang tumaas ang ratings ng programa.

“I’m not convinced na hindi alam ng mga bata yung basic things like GomBurZa kaya ako’y nag-imbestiga. I found out na scripted lamang ito at sinasadya talaga nilang maliin upang magtrending at pag-usapan ang programa,” sabi ni Gaza.

Hindi daw ito maaring aminin ng mga housemate o ninuman na parte ng programa dahil sa pumirma daw sila ng Non-Disclosure Agreement o NDA.

Pumalag naman ang ilang housemate sa ibinunyag ni Gaza.

“I am an ex-housemate from the previous season and none of these are true,” sabi ni Justin Dizon na isang dating housemate ng PBB.

“Siguro mas alam ko than Xian Gaza because I was once part of the program.” dagdag niya pa.

Hindi rin daw sila pinapapirma ng NDA bilang kapalit ng pagsali nila sa nasabing reality show.

Si Dizon ay naging parte ng PBB Connect noong 2020.

Matatandaan na naging seryoso ang “MaJoHa” issue at napag usapan narin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

“Sa una, nakakatawa pero habang tumatagal, di na nakakatuwa. Sana maging daan ito para makita kung ano ang kakulangan sa sistema ng ating edukasyon. Sa lahat ng content creators, let’s battle #MaJoHa,” ani Robi Domingo na host ng PBB.

Ilan ay sinisi pa ang Department of Education (DepEd) dahil sa tila nangyayaring kawalan ng kaalaman ng mga kasalukuyang henerasyon lalo na pagdating sa kasaysayan.

Facebook Comments