Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesPia Wurtzbach itinanggi na lumabag siya sa batas ng UAE: “Magpaalam nalang...

Pia Wurtzbach itinanggi na lumabag siya sa batas ng UAE: “Magpaalam nalang po kayo”

Sinagot ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga akusasyon ng mga netizens na nilabag niya ang batas sa United Arab Emirates matapos siyang mag-post ng selfie sa harap ng embahada ng Pilipinas doon.

Sa kanyang Facebook post, itinanggi ni Pia na lumabag siya sa batas ng UAE.

Sinabi rin ng beauty queen na ang kumakalat na advisory ay noong 2017 pa inilabas na gawa pa ng dating ambassador doon.

Punto rin nito ay isa siyang residente ng UAE.

Nagtataka rin siya kung bakit ngayon lang pinuna ng mga netizens ang pagpapalitrato niya sa harap ng embahada.

Matatandaan na ibinahagi ni Pia ang larawan niya sa nasabing embahada kasama ang mensahe na si Vice President Leni Robredo ang kanyang ibinoto.

“I saw some people tagging me in a post of an advisory from the former Philippine ambassador to the UAE. This advisory was posted on September 11, 2017. And I agree with the embassy’s “security concerns” because of what was going on around that time. There were protests in some places kaya tama lang naman na sundin ang advisory for the safety & security of others. Igoogle nyo nalang po para malaman nyo ang context ng advisory.” ani Pia.

“Tsaka sa mga nagtataka, yes I am a resident in the UAE. My name is on the list of certified voters sa embassy website. I registered to vote last August 2021 kasi nga alam ko na dito ako boboto sa Abu Dhabi. Nag post rin ako ng picture outside the embassy that time nung nagpa rehistro ako pero wala naman pong naging reaction noon.” dagdag niya pa.

Hinimok niya rin ang mga OFW na magpaalam na lamang sa mga opisyal ng embahada kung gusto nilang magpakuha ng litrato.

Ilang OFW kasi ang nagreklamo na ipinabura sa kanila ang mga larawan nila na kuna sa embahada dahil sa bawal diumano ito.

“Anyway ang advice ko po is kung gusto nyo rin po magkaroon ng selfie sa labas ng embassy, magpaalam nalang po kayo tulad ng ginawa ko po. Tsaka wag nyo pong kunan ng pictures ang ibang taong nandun po, lalo na sa loob. Kasi yun, bawal po talaga yun. “

Nagbigay naman ng reaksyon ang international relations expert na si Sass Rogando Sasot at hinimok ang mga OFW sa UAE na magpaalam na lamang katulad ng ginawa ni Pia.

“Pwede pala mag-paalam sa embassy sa UAE if you want to take your picture, even if their advisory says it is NOT allowed to take photos inside and outside the embassy. So OFWs sa UAE, follow Pia’s lead, ask permission. If they say NO, ask them why they are saying NO if they said Yes to Pia. Papayag naman pala basta magpaalam lang po kayo. Case closed!”

Wala pang pahayag ang embahada ng Pilipinas sa UAE tungkol sa isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular