Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesPia Wurtzbach, inakusahang sumuway sa batas ng Philippine Embassy sa UAE dahil...

Pia Wurtzbach, inakusahang sumuway sa batas ng Philippine Embassy sa UAE dahil sa pagkuha niya ng litrato

Usap usapan ngayon sa social media ang larawan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa harapan ng Philippine Embassy sa United Arab Emirates.

Makikita sa larawan si Pia na nakasoot ng kulay pink at nasa likod niya ang emblem embassy sa UAE.

Lalo pa itong pinagusapan dahil sa sinabi ng beauty queen na si presidential candidate Vice President Leni Robredo ang kanyang ibinoto.

“Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next President. I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae. Naniniwala ako at naninindigan ako para kay Leni,”

Ngunit pinuna ng ilang netizens at Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa UAE ang ginawa ni Pia dahil daw lumabag ito sa patakaran ng nasabing bansa.

Ayon kasi sa inilabas na pahayag ng Phil Embassy sa UAE ay ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato ng walang permiso sa mga ipinagbabawal na lugar.

Kasama na dito ang mismong building ng embahada.

Ayon sa isang website ay maaring maparusahan sa ilalim ng batas ng UAE ang ginawa ni Pia kung mapapatunayan na walang permiso sa mga otoridad ang pagkuha niya ng larawan.

Maaring magmulta ng mahigit 5000 AED o 70,000 pesos ang mapapatunayan na lumabag dito.

Ilang OFW sa UAE naman ang nagreklamo dahil sa gusto rin nilang ibahagi sa social media ang kanilang ibinoto ngunit ipinabura sa kanila ng embassy ang mga larawan nila.

“Bakit kami sinita ng guard sa embassy, we casted our votes 10/04/22 pero ipinadelete ang mga photograph. Bakit si Pia may exemption?” tanong ng isang netizen.

Wal pang pahayag ang embahada sa UAE at si Pia tungkol sa nasabing larawan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular