Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKakampink kasi ang tatay! Pagkalat ng pribadong larawan ni Iñigo Pascual, ikinumpara...

Kakampink kasi ang tatay! Pagkalat ng pribadong larawan ni Iñigo Pascual, ikinumpara sa nangyari kay Aika Robredo

Libo libong netizens ang nag tweet sa kalagitnaan ng Holy Week tungkol sa diumano’y pribadong larawan ng singer na si Iñigo Pascual na kumakalat ngayon sa social media.

Ilang netizen ang nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa isyu, ang ilan ay hindi na masyadong pinansin ang larawan ni Iñigo dahil sa hindi naman kita ang mukha ng lalaki sa nasabing larawan upang mapatunayan na ito nga ay ang singer.

Ngunit may ilan na naniniwala na parte ng isang ‘black propaganda’ ang nangyari kay Iñigo lalo na’t isang araw bago kumalat ang nasabing larawan ay nagpahayag ng suporta ang ama nito na si Piolo Pascual sa kandidatura ni presidential candidate Vice president Leni Robredo.

Tila kapareho daw kasi ng nangyari kay Aika Robredo ang nangyayari ngayon kay Iñigo.

Matatandaan na pinag-usapan din sa social media ang diumano’y malisyosong pagkalat ng pekeng video ni Aika na kagagawan daw ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Look at y’all thirsting about Iñigo Pascual leaked pic? Why not give the same energy in protecting him just like we do when a lady gets her noods spread?” 

“If we are protecting Aika, I hope we do the same for Iñigo and not spread those photos of him.” sabi ni @wleviosa22.

“A little disappointed with my fellow kakampinks for sharing, retweeting, drooling over the alleged Inigo Pascual Scandal. We condemned Aika’s vid but we’re acting very parched towards Inigo’s.” sabi naman ni @curious1187.

Sa ngayo nay hindi parin nagsasalita si Iñigo at Piolo tungkol sa isyu.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular